Heart Evangelista cries over apology of former classmate who bullied her

IMAGE Arniel Serato

Heart Evangelista reveals apology of a classmate who bullied her in high school. How was she bullied? "Lalagyan nila ng gum yung seat ko, lalagyan nila ng tissue yung polo ko, para akong Superman kapag naglalakad, stuff like that," she recalled.


Ikinatuwa ni Heart Evangelista ang pagpapakumbaba ng isa niyang dating kaeskuwela sa high school na nambully raw sa kanya.

Sa kanyang Instagram Story kahapon, August 23, sinabi ni Heart na naiyak siya dahil sa paghingi ng dispensa ng dating kaklase.

Ikinuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na ilang buwan na ang nakalipas nang mag-sorry ang kanyang dating kaklase sa nangyari ngunit ngayon lang niya inilabas.

“It happened actually a few months ago na, we’ve been friends since then.

“Yes, but you know, why not? That’s such a gesture na mag-sorry siya.”

Kasunod nito, ikinuwento ng 33-year-old Kapuso actress ang bullying na nangyari sa kanya.

“Actually, in grade school and high school, I was bullied a lot in school.

"So it was nice lang na there was a girl from high school who approached me.

“Nakakatuwa and it’s very courageous of her, full of grace, to even bother to message me.”

Anong klaseng pambu-bully ang ginawa sa kanya dati?

Ayon kay Heart, “Lalagyan nila ng gum yung seat ko, lalagyan nila ng tissue yung polo ko, para akong Superman kapag naglalakad, stuff like that.”

Nakapanayam si Heart sa launch ng kanyang bagong campaign para sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na "Have a HEART for Aspins (ASong Pinoy)" kahapon, August 23.



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN