Sanya Lopez no problem third-wheeling to Jak Roberto-Barbie Forteza relationship

IMAGE Mark Atienza

Jak Roberto, boyfriend of Barbie Forteza, says he is a strict older brother when it comes to Sanya Lopez's potential suitors.


Masayang idineklara ni Sanya Lopez na madalas siyang “third wheel” sa relasyong Jak Roberto at Barbie Forteza.

Sadyang malapit kasi si Sanya sa nakatatandang kapatid na si Jak at pamilya na rin ang turing niya kay Barbie.

Natatawang pagtukoy ng Kapuso actress sa kanyang single status, “Ako, third wheel pa rin!”

Magkakasama silang tatlo na dumalo sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde na ginanap sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City, noong Linggo, August 19.

Dito ay inamin ni Jak na bagamat madalas niyang alaskahin si Sanya sa kanilang Instagram Stories, pagdating sa love life ng kapatid ay lumalabas ang pagiging istrikto niya bilang kuya.

Hirit pa ni Jak patungkol sa mga susubok manligaw kay Sanya, “Naku! Nasaan ang pamalo ko!”

Kaya naman si Barbie ang madalas kakuntsaba umano ni Sanya pagdating sa usapang pag-ibig.

Natatawang komento ni Barbie, “Actually, mas kunsintidor ako!”

Hindi nakapagtataka na magkasundo silang tatlo dahil pareho-pareho silang kuwela at positibo ang disposisyon.

Dagdag pa rito ang pagiging supportive ni Sanya pagdating naman sa relasyon nina Barbie at Jak.

Hirit pa ni Jak, mas tumitibay ang relasyon nila ni Barbie dahil sa guidance ni “Ate Sanya.”

Natatawang reaksiyon ni Sanya sa pagtawag sa kanyang ate ni Jak, “Kapal ng mukha!”  

Ayon naman kay Barbie, natutuwa siya na parang magkapatid na ang turingan nila ni Sanya, at ganoon din naman daw kalapit si Jak sa kanyang pamilya.

“Tsaka OC ding kapatid si Sanya, walang problema. Sa pamilya ko, okey din. So feeling ko nagkatagpo-tagpo talaga.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN