Lea Salonga, other celebs react to rich moviegoers camcording Crazy Rich Asians

IMAGE Facebook (Raymund Isaac, Manny Castaneda) / Instagram (Lea Salonga)

Photographer Raymund Isaac, Broadway star Lea Salonga, and actor-director Manny Castañeda express their dismay over some rich moviegoers camcording Hollywood film Crazy Rich Asians in a posh movie theater.


Idinaan sa Facebook status ng celebrity photographer na si Raymund Isaac ang pagkadismaya sa inasal ng ilang kasabay niyang nanood ng special screening ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Ayon sa photographer, “can afford, the rich and the affluent” ang mga nakasabay niyang nanood ng pelikula sa "one of the most expensive movie theater in Manila."

Pero dagdag ni Raymund, “Sad to say despite all that description, a lot of them took out there phones, recorded some scenes, replied to messages and opened their FB.

Sabi pa niya sa huli, “What has happened to us na? Is this an addiction? Or are we just oblivious to other people?”

CELEBRITIES REACT

Sa comments section, may mga artistang nagkomento at nakisimpatiya kay Raymund.

Kabilang na rito sina Lea Salonga, Hans Montenegro, Malou Crisologo, at Manny Castañeda.

Komento ng Broadway diva si Lea, "We've lost our manners. Clearly money cannot buy class." 

Pagsang-ayon ng director-actor na si Manny, "Wealth does not assure breeding." 

Matapang namang komento ng dating model-TV host na si Hans, "Unfortunately, no matter how nice and expensive the movie house, one consistent thing I notice after the movie is that BABOY pa din talaga mga Pinoy." 




(Screenshots from Raymund Isaac's Facebook account)

Nagtanong naman ang aktres na si Malou kung hindi ba ipinalabas ang anti-camcording video na kalimitang ipinapalabas bago magsimula ang pelikula.


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymund Isaac kung may gusto pa siyang idagdag na mensahe sa kanyang Facebook post.

Sagot niya, “Wala na. Ok na ako. It’s gone public na.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN