Daniel Padilla to serve as PA to Kathryn Bernardo

IMAGE @starcinema on Instagram

When asked how she feels about her new movie project without Daniel Padilla, Kathryn Bernardo answers, "Sad talaga. Yung totoo, kinakabahan. Kasi, parang hindi ko na alam ang feeling kapag wala si DJ."


Nasasabik na raw si Daniel Padilla na maging personal assistant ni Kathryn Bernardo. 

Pagkatapos kasi ng pelikula nilang The Hows of Us, na ipalalabas sa mga sinehan simula August 29, magso-solo muna si Kathryn. 

Magiging bahagi siya ng reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez under Star Cinema. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay sina Kathryn at Daniel o mas kilala bilang KathNiel love team. 

Matatandaan na noong nakaraang Metro Manila Film Festival, solo rin si Daniel sa Gandarrapido: The Revenger Squad

“Excited ako para kay Kathryn. Excited akong manood at maging PA naman niya sa panahon na ‘to,” sabi ni Daniel sa panayam matapos ang press conference ng The Hows of Us noong Miyerkules, August 22. 

Halos kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Kathryn. 

“Sad talaga. Yung totoo, kinakabahan,” sabi niya.

Paliwanag niya, “Kasi, parang hindi ko na alam ang feeling kapag wala si DJ. 

“Kunwari, wala sa tent, wala akong ka-share, wala akong pupuntahan kapag mainit ang ulo ko, walang magko-comfort.

“Mix of emotions. 

“Pero excited din ako kasi bago ito sa akin, e. 

“Sana maging maayos naman ang lahat. Sabi naman niya dadalaw siya sa set nang madalas.” 

 

NOT ANOTHER LOVE TEAM

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Kathryn kung magkakaroon siya ng kapareha sa pelikula.

Pero sa palagay ng kanyang boyfriend at constant onscreen partner na si Daniel, hindi maganda na maipareha si Kathryn sa iba na parang panibagong love team. 

 “Alam mo, naisip ko, after nito [The Hows of Us], hindi tayo puwedeng dumiretso sa love team, e. Hindi dapat. 

“Hindi puwede na after nito, diretso ka agad sa isang love team,” pahayag ni Daniel.  

Katuwiran niya, “Ito yung transition mo para sa personal as individual, magta-try kami ng ibang project, magiging experimental kami. 

“Pero it doesn’t mean na kailangang may partner kasi galing na kami dun, e. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ano ba, nagpapalit lang tayo ng mukha ng kapartner natin? E, galing na kami dito. 

“Ngayon, kaya lang kami [naghiwalay] para mag-grow kami as actors.” 

Gayunman, aminado si Daniel na magkakaroon ng panahon na maipapareha rin sa ibang actor ang girlfriend niyang si Kathryn. 

“Magkakaroon ng panahon, pero I think it’s not soon. 

“Darating siya, alam naman namin yun. It’s okay, ganun talaga. 

“Pero sa ngayon, excited kami sa experimental na characters, roles.” 

Samantala, sa parte ni Daniel, hindi niya rin nakikita ang sarili na maipapareha sa ibang leading lady. 

Sabi ni Daniel, “Hindi ko pa iniisip yung leading lady. 

“Galing na ako sa malupit na leading lady, e. 

“Ang gusto ko naman ngayon, kahit wala munang leading lady. 

“Gusto ko ng magandang proyekto na may magandang istorya. Kahit wala, huwag na muna.” 

Biro pa niya sa huli, “Leading man, para maiba naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN