John Lloyd Cruz spotted with singer Dong Abay, actor Ronnie Lazaro in QC

IMAGE @dong_abay on Instagram

John Lloyd Cruz was seen in a bar in Quezon City together with singer Dong Abay, actor Ronnie Lazaro, and his other friends last August 23.


Namataan sa isang bar sa Quezon City si John Lloyd Cruz kamakailan.

Ito ay ayon sa Instagram posts ng singer na si Dong Abay, kung saan kasama niya si John Lloyd at aktor na si Ronnie Lazaro sa '70s Bistro, Anonas, Quezon City, noong August 23.

Ayon sa post ni Dong noong August 24, nanood sila ng performance ng anak ni Ronnie na si Gabriel, na papasok sa Berklee College of Music.

Saad ni Dong sa caption, "With friends from the art community at the 70s Bistro last night after watching the electrifying performance of the Berklee College of Music bound, Gabriel Lazaro. (L-R) Dong Abay, Poklong Anading, John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Jeremy Guiab, Gabriel Lazaro"

Nag-post din si Dong ng picture nilang dalawa ni John Lloyd.

Nakalagay sa kanyang caption, "Sabi ko sa kaibigang photographer na si MM Yu, 'Kunan mo naman kami neto para meron akong pang-Instagram.' Haha

"70s Bistro, Anonas, QC, Philippines August 23, 2018"

Hindi malinaw kung sa Maynila na ba muling naninirahan si John Lloyd kasama ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Noong June 27, nanganak sa Cebu si Ellen, na kinumpirma ng legal counsel ni Ellen na si Atty. Rene “Rebo” Saguisag Jr.

Noong July 9, hindi nakadalo si Ellen sa preliminary hearing para sa mga reklamong child abuse at cybercrime na kinahaharap nito sa Pasig Prosecutor’s Office.

Ayon kay Atty. Saguisag, hindi pa kayang ibyahe ng aktres ang bagong-silang nitong anak.


Stories We Are Tracking

Teen netizen's mom dismayed by Ellen's refusal to apologize
Teen netizen's mom dismayed by Ellen's refusal to apologize


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN