Kapuso actress Pauline Mendoza hopes her mom will beat stage 3 breast cancer

IMAGE Pauline Mendoza Facebook Page

Kapuso actress Pauline Mendoza strongly believes that her mom will overcome her stage 3 breast cancer: "Pero naniniwala po ako na gagaling siya. Kailangan niya talagang gumaling. Pray lang nang pray."


Positibo ang pananaw sa buhay ng Kapuso young female star na si Pauline Mendoza kahit may pinagdadanang pagsubok ang kanilang pamilya.

May stage 3 breast cancer ang ina ni Pauline.

Kumusta ang mommy niya?

Lahad niya, "Well ayan, okay naman po siya. Puro herbal, kasi ayaw po niyang pumunta ng hospital, e!

"Sabi naman po hindi naman daw po kumakalat [ang cancer]."

Two years ago nang ma-diagnose na may cancer ang ina ni Pauline.

Ikinalungkot ni Pauline ang pagkamatay ng ina ni Marlo Mortel nitong nakaraang linggo dahil sa sakit na kanser.

"Kasi po parehas kami na may sakit ang mommy namin," pahayag niya.

Hindi pa raw niya nami-meet si Marlo pero nabigyan na ni Marlo ng charm bracelet ang ina ni Pauline dahil pareho ngang may kanser ang mga ina nila.

Negosyo ni Marlo ang Ornstal charm bracelets.

So far naman daw ay okay ang ina ni Pauline.

Pagmamalaki niya, "Okay naman po siya, parang walang sakit po."

HOPEFUL FOR MOM'S FULL RECOVERY

Pero may mga pagkakataon daw na kapag mag-isa si Pauline sa kanyang kuwarto ay umiiyak siya kapag naiisip ang sakit ng mommy niya.

Pag-amin niya, "Kasi siyempre alam naman namin na unsure pa rin kami kung gagaling nga siya, kung ano ang possible na mangyari.

"Pero naniniwala po ako na gagaling siya.

"Kailangan niya talagang gumaling.

"Pray lang nang pray," sinabi pa ni Pauline.

"Wala na po siyang ano, tinanggal na po yung isa."

Sumailalim na sa mastectomy ang mommy ni Pauline at inalis na ang dibdib nito na may kanser para
huwag kumalat.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauline sa Rack’s restaurant sa SM North EDSA nitong Biyernes, August 24.

BIANCA VS. KYLINE ISSUE

Hiningan naman namin ng reaksyon si Pauline tungkol sa mainit na isyu sa pagitan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isyu kasi ng love triangle kina Bianca, Kyline at Miguel Tanfelix, at magkakasama silang apat, including Pauline, sa katatapos lamang na GMA teleserye na Kambal, Karibal.

Noong nagte-taping ba sila ay na-witness niya na may something nga kina Bianca at Kyline?

“Ahm… konti,” at natawa si Pauline.

“Parang may something.”

Ano ang napansin niya?

Saad niya, “Nagugulat na lang din po ako sa mga ano e, yung mga lumalabas na news.

“Sa mga newspapers.”

Matindi rin ang sagutan sa pagitan ng mga fan clubs nina Bianca at Kyline, lalo pa nga at nagkaroon ng isyu sa GMA Kapuso show sa Iloilo na napagbintangan ang mga fans ni Bianca na nam-boo at nag-thumbs down kay Kyline habang kumakanta, na siyang ikinaiyak nito.

Pero kina Bianca at Kyline mismo, ano ang napansin ni Pauline?

Nag-isnaban ba ang dalawa?

May tensyon ba sa set habang ongoing ang Kambal, Karibal?

“Hindi naman, wala naman.

“Hindi naman sila nagsasapakan,” at tumawa si Pauline.

“Okay naman.

“Nag-uusap naman po. Kasi pag sa work talaga, nag-uusap naman kaming tatlo.

Bago matapos ang serye nila, may naganap bang something sa pagitan nina Bianca at Kyline?

Pag-amin niya, “Feeling ko.”

Dahil nga hindi sila close?

“Yeah.”

Kanino mas close si Pauline? Kay Bianca o kay Kyline?

Sabi niya, “Pantay lang naman.

“Wala naman akong… kung anong meron sa kanilang dalawa, wala akong side na, ‘Dito lang ako.’

“Or kay Bianca lang, or kay Kyline lang, wala.

“Kasi nagugulat na lang ako kasi hindi ko alam kung anong nangyayari.”

Sa palagay ba ni Pauline ay si Miguel ang dahilan kaya may isyu kina Bianca at Kyline?

“Kay Miguel? Iyon yung nakita ko na puro kay Miguel, e.

“I mean hindi ko alam kung si Miguel ba, o sino ba, pero kasi sa mga kumakalat sa Twitter and sa news, si Miguel!” pakli niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Pauline ba ay hindi pinagselosan ni Bianca?

Paninigurado niya, “Ah, hindi naman po kasi bago pa lang, sa mga commercials pa lang namin, magkasama na kami ni Bianca.”

Kaya mas nauna niyang nakilala at naging kaibigan si Bianca.

“Tsaka nakilala ko lang po si Kyline, sa Kambal, Karibal na.”

So mas close niya nga si Bianca?

“Opo, mas una ko po kasi siyang nakilala.”

Never raw nakaranas ng pamba-bash si Pauline mula sa mga fans nina Bianca at Miguel.

LOVE LIFE

Eighteen years old si Pauline at wala siyang boyfriend.

May nanliligaw sa kanyang taga-showbiz pero ayaw niyang i-reveal kung sino.

“Kapuso,” ang tanging clue na ibinigay ni Pauline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN