KaladKaren Davila denied entry in Makati bar; cries discrimination

by Bernie V. Franco
Aug 27, 2018
TV impersonator KaladKaren Davila took to Twitter to cry discrimination after a bar in Makati City allegedly refused to admit her and her friends.

“BAWAL ANG BAKLA.”

Umalma ng diskirminasyon ang gay impersonator at ABS-CBN host na si KaladKaren Davila (Jervi Li sa totoong buhay) pagkatapos tanggihan ng bouncer ng isang bar sa Makati City na papasukin siya at mga kaibigan dahil sa pagiging bakla nila.

Ipinost ni KaladKaren ang video ng pakikipag-usap niya sa bouncer ng bar nitong Linggo, August 26.

Tinukoy rin ni KaladKaren sa kanyang tweet ang bar—H&J Sports Bar and Restaurant sa Poblacion, Makati City.

Maririnig ang usapan nina KaladKaren at ng bouncer.

Sabi ng impersonator, “You have to explain it to us kasi you are denying us entry and it's our right to get into a pub.”

Maayos na sagot ng bouncer, “Inutos lang naman sa akin, Ma'am, kaya wag kayong ma-offend.”

Sagot ni KaladKaren, “Nao-offend kami because that's discriminating people like us.

"Now i-explain mo sa akin kung ano ang hindi puwedeng pumasok."

Tugon ng bouncer, “Hindi nga muna ngayon...”

Ani KaladKaren, “Alin nga ang hindi pwedeng pumasok ang...”

Sabi ng bouncer, “Bakla.”

Sundot ni KaladKaren, “Like bakla... transgender, lady boy, gauon?”

Ulit ng bouncer, “Hindi nga muna ngayon.”

Maririnig ang kasamahan ni KaladKaren na sinabing may mga bakla sa loob ng bar, pero sumagot ang bouncer na wala nang bakla sa loob.

Sa sumunod na tweet ni KaladKaren, nanawagan siya sa mga kapwa miyembro ng LGBTQ community kung bakit kailangan nilang protektahan ang isa't isa.

AN ISSUE OF MISCOMMUNICATION

Sa thread, may isang netizen (@gelogallardo) na nag-post ng screenshot ng pakikipag-usap niya sa isang disc jockey (DJ Izza) ng bar via private messaging, upang kumpirmahin ang insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang screenshot, mababasa ang sagot ng kampo ng bar na kukumpirmahin daw nila ang insidente.

Sagot pa ng DJ, “If you can see naman po sa mga pictures every week, we welcome and party with all gender.

"We'll make sure to clarify this issue, once we already have the information. Thank you.”

Sinabi pa ng taga-bar na mayroon din silang gay DJ na hina-hire sa bar at sinabing kaklaruhin nila ang isyu.

Sa sumunod na screenshot, sinabi ni DJ Izza na nag-message siya kay KaladKaren at ipinaliwanag kung bakit tumanggi ang bouncer na papasukin sila sa oras na iyon.

Humingi rin ng paumanhin ang DJ kay KaladKaren, “if you felt na you were discriminated by the management bec of the incident with the bouncer.”

Kasunod ito, ipinarating ng DJ ang pinanggagalingan ng management kung bakit hindi pinapasok sa oras na iyon si KaladKaren at kanyang mga kasamahan.

“Last Saturday night, there's an incident daw na one of the customers lost his wallet. And ang mga nakishare daw sa table are gays.

"So nagkataon lang po siguro na they stopped allowing entry muna sa gay, kasi mainit pa daw po yung issue sa loob and inaayos pa po."

Muling humingi ng sorry ang DJ kung na-offend man daw ang grupo ni KaladKaren sa pagtanggi ng bouncer.

“But I clarified with our management. And all gender are still welcome sa H&J and will always be. We have regular gay customers as you can see din po sa page ng H&J.”

Pagkatapos nito ay inimbitahan ng DJ ang grupo ni KaladKaren sa bar upang personal daw itong makapag-sorry dahil sa miscommunication.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni KaladKaren at ng H&J Restobar hinggil sa isyung ito.

Read Next
Read More Stories About
Jervi Li, LGBTQ community
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV impersonator KaladKaren Davila took to Twitter to cry discrimination after a bar in Makati City allegedly refused to admit her and her friends.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results