Kyline Alcantara says she and Bianca Umali "still friends" despite issues

IMAGE Glenn Regondola / Noel Orsal

Kyline Alcantara says her friendship with Bianca Umalis is stronger now despite the many issues that pitted them against each other. She told PEP.ph, "Alam ko, na nakikita na ng mga tao na sobrang close na namin, di maiiwasang may mga taong gustong sumali at sirain kami."


Inamin ni Kyline Alcantara na nagkausap na sila ni Bianca Umali sa set ng Kapuso fantaserye na Daig Kayo ng Lola Ko, kung saan sila ay gumaganap bilang Siamese twins.

Kung babalikan, nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng word war ang kanilang fans sa social media.

Ito ay bunsod ng mga isyung kinasasangkutan ng dalawang Kapuso young actress.

Kabilang na rito ang love triangle diumano sa pagitan nina Kyline, Bianca, at perennial love-team partner at rumored boyfriend ng huli na si Miguel Tanfelix; pati na ang pambabastos diumano ng fans ni Bianca sa nakaraang performance ni Kyline sa Iloilo.


Stories We Are Tracking

Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca denies posting offensive tweet vs Kyline fans
Bianca denies posting offensive tweet vs Kyline fans

Dahil dito ay naapektuhan na rin daw ang friendship na nabuo sa dalawa noong magkasama pa sila sa nagtapos na teleseryeng Kambal, Karibal.

Pahayag ni Kyline, “Katatapos pa lamang po ng first taping para sa Daig Kayo Ng Lola Ko, kami po ang magkasama.

“I’m just so happy na kahit ang daming negative [comments] na natanggap namin sa isa’t isa, nandun po kami para maging professional.

“Hindi lang po talaga namin inintindi yung mga isyu, e. Kumbaga, nandun kami para to work.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang teen actress bago magsimula ang guesting niya sa online show na AbanTELLiling kahapon, August 27, sa Chino Roces, Makati City.

FROM FRIENDS TO ENEMIES?

Naapektuhan nga ba ang friendship nila ni Bianca dahil sa mga isyu?

Sagot ni Kyline, “We’re still friends.

“Well, siguro po ay naapektuhan naman, but siguro mas naging strong na lang yung friendship namin.

“Yun yung parang nagawang epekto nung isyu.”

Ano ang napag-usapan nila ni Bianca?

Aniya, “Ako po kasi, bago pa lumabas yung sinasabi nilang isyu, habang nagdi-date po kami ni Bianca [noon], napag-usapan namin na, ‘Paano kung may lumabas na ganito? Ganyan-ganyan.’

“So, parang nasabi ko na sa kanya, nalatag ko na sa kanya yung mga mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko, na nakikita na ng mga tao na sobrang close na namin, di maiiwasang may mga taong gustong sumali at sirain kami.

“Though in-explain ko na yun sa kanya.”

Gaano nga ba kalalim o kalawak ang friendship nilang dalawa para maging matibay ito sa gitna ng pagsubok na kanilang pinagdaanan?

Ayon sa 15-year-old Kapuso actress, nakatulong ang role nila bilang Siamese twins sa Daig Kayo ng Lola Ko sa muli nilang pag-uusap.

Aniya, “Well, now po, naalala ko na nagkausap kami.

"Kasi, magkadikit na magkadikit kami na hips-to-hips, kasi twins kami dun. Nag-usap kami.

“Nagre-reminisce po kami nung mga nagawa namin sa Kambal, Karibal, kung gaano kami kakumportable sa isa’t isa.”

Ano ang assurance nila sa isa’t isa na hindi na maaapektuhan ang kanilang pagkakaibigan, kahit may iba pang isyung masgsulputan sa mga susunod na araw?

Pagsisiguro ni Kyline, “Ako po kasi, masisiguro ko sa sarili ko, ang tingin ko po sa kanya, friend talaga.

“Kumbaga, sana siya din po.

"I’m sure, ganun din naman po siya dahil mabait po si Bianca.

"We’re okay po, and I’m okay with her.

“Sana po, siya din, di ba? Sana po.”

How about yung fans nila? Ano ang pangaral niya sa mga ito?

Aniya, “Well, with our fans po, ako kasi, kapag nakikita ko na pumapatol na ang fans ko, I control them.

“Napagsasabihan ko naman po sila, and buti naman sumusunod sila.

“Tahimik na, at yun din ang sinasabi ko sa kanila, ‘Wag nang patulan, wag nang palakihin.’”

Sa ngayon ay abala si Kyline sa pagri-rehearse para sa kanyang upcoming concert na Kyline Take Fl16ht, na gaganapin sa Skydome, SM The Block, sa September 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN