Pokwang explains connection to Kapuso stars Maine Mendoza, Paolo Ballesteros

IMAGE Instagram

Pokwang is back to work with two indie films and an upcoming teleserye with the Kapamilya network.


Nag-viral ang pagbisita sa bahay ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ng Kapuso stars na sina Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.

“Si Paolo kasi kapitbahay ko,” simulang kuwento ni Pokwang sa koneksiyon niya sa dalawang Eat Bulaga! hosts.

“Walking distance lang yung bahay niya from my house. 

"At itong si Maine naman, kasi meron kaming common friend.

"Si Maine, natutuwa kay Malia. 'Gusto kong makita si Malia, chu chu chu.' 

"Di ba, ganun kasikat yung anak ko?" 

Si Malia ay ang anak ni Pokwang sa American actor-partner nitong si Lee O'Brian.

Paglalarawan naman ng Kapamilya comedienne kay Maine, “Sobra, napakasimpleng tao, napakabait.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa nakaraang appreciation party ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, na ginanap sa White Space Tent, Makati City, noong August 19.

Sinamahan ni Pokwang si Lee, na nasa cast ng mga entry na Ang Babaeng Allergic Sa WiFi at Signal Rock.

CELEBRITY BABY

Kabilang si Malia sa maraming celebrity babies na nakalantad sa social media.

Paliwanag ni Pokwang tungkol dito, “Oo nga, kasi maraming mga tao, even my followers sa social media, na nag-pray na maging safe yung pregnancy.

"Lahat sila nagdasal. So, bakit ko ipagdadamot yung bata?"

Laking pasasalamat naman ni Pokwang dahil hindi nakatikim ng panlalait sa social media ang anak.

“Awa ng Diyos, wala. Thank God, wala,” nakangiti niyang komento.

Hindi makakalimutan ni Pokwang na sumalang sila ni Lee sa maraming pamimintas at panghuhusga ng ibang tao sa kanilang relasyon.

“Asan sila ngayon? Hindi sila masaya?” sambit niya.

“Ako, masaya. Di ba?” 

NO WEDDING YET

Samantala, isinasantabi muna ni Pokwang ang pangarap na kasal kay Lee.

"Hindi ko alam e," sagot ni Pokwang kung kailan nila balak magpakasal.

"Ngayon ini-enjoy namin yung bata, sobrang ini-enjoy namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas priority namin muna... mas nag-iipon kasi kami for her, e. Mas dapat paghandaan yung future ng bata, financially. 

"Siyempre gusto rin namin [pakasal] para buung-buo na yung pagkatao nung bata."

Ayon kay Pokwang, nang dumating sa buhay nila si Malia, nagkaroon ng malaking pagbabago sa relasyon nila ni Lee.

Nakangiting pahayag ng komedyana, “Ay, ngayon hindi na ako nagagalit na.

"Ngayon, wala akong pakialam sa iyo, basta para sa bata.

"Ganun din siya, deadma siya sa tantrums ko. Kasi iba talaga yung naibibigay na happiness sa amin ng bata.

“Nagpapasalamat kami sa isa’t isa [na merong] isang napakaganda, napakalusog, napakabait na bata.”

BACK TO WORK

Nagsimula na rin daw bumalik sa trabaho si Pokwang.

"Meron akong sisimulang teleserye with MayWard," kuwento niya, na ang tinutukoy ay ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

"Kaka-storycon pa lang namin, three days, two days ago.

"Meron akong indie film next month, yung sa ToFarm Festival, yung Searching.

"And then may gagawin pa akong isa pa, yung indie film din.”

Paano si Malia at ang pag-aalaga niya rito?

Sabi ni Pokwang, “Buti na lang meron akong mapagkakatiwalaang yaya na napakabait.”

Nasimulan na ni Pokwang na dalhin sa trabaho si Malia para makita ng iba pa niyang mga kasamahan sa ABS-CBN ang anak.

Excited din nitong ibinalita ang napipintong travel abroad ni Malia, kasama silang dalawa ni Lee.

“Meron kaming U.S. tour nila Piolo [Pascual] this coming October 25 hanggang November 7.

“Kasama namin si Bagets. Si Malia iiwan namin sa mga lolo’t lola, bilang yung mga lolo’t lola, sabik na sabik na.”

Ang tinutukoy ni Pokwang ay ang mga magulang ni Lee na nakatira sa States.

“Kasi nakita nila nung March, umuwi sila dito. Nung March pa yun, two months old pa lang si Malia.

“So, iiwan muna namin si Malia sa mga lolo't lola habang nagsu-show ako. Excited yung mga matatanda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLESSED BEYOND BELIEF

Nakapagpatayo si Pokwang ng bahay, napagtapos niya sa kolehiyo ang dalagang anak na si Mae Subong, nagkaroon ng kasintahan, at biniyayaan pa ng isa pang anak. 

Seryosong pahayag ni Pokwang, “Alam mo, matuto kang magpasalamat araw-araw. Yun iyon. 

"Yung mga ipinagdadasal mo na hindi pa natutupad, huwag mong ispin na, 'Ay, wala na.'

"Huwag mong kuwestyunin yun, timing Niya dapat mong hintayin.

"Pag ibinigay my God, sunud-sunod naman yun. Pag ibinigay, pasalamat ka naman.”

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit blessed siya?

Nakangiting sagot ni Pokwang, “Di ko rin alam, yun na nga din ang tanong ko, di ba?

"Meron ba akong nagawang ano... 'Bakit po ganito? Kung sakali man pong meron, thank you.'

"Nakakatuwa, maraming nagdasal na matuloy ang pagbubuntis ko at maging safe, kaya ayun."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN