Barbie Imperial to ex-boyfriend: "Napatawad na kita."

IMAGE Noel Orsal

ABS-CBN actress Barbie Imperial reveals she is now happy and tells ex-boyfriend that she has forgiven him. 


Nakapag-move on na raw ang 21-year-old actress na si Barbie Imperial sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend.

Sa guest appearance nila ng kanyang Araw Gabi leading man na si JM de Guzman sa Tonight With Boy Abunda nitong Lunes, August 27, natanong si Barbie tungkol sa lagay ng kanyang puso.

“Yes. Okay na,” sagot niya.

Nagbigay pa ng mensahe si Barbie sa dating boyfriend.

“Masaya ako. Sana ikaw din.

"Napatawad na kita,” makahulugang pahayag ng Kapamilya star.

Walang binanggit na pangalan si Barbie kung sino ang ex-boyfriend na tinutukoy ng host na si Boy Abunda.

Ngunit sa pagkakaalam ng publiko, ang huling nakarelasyon ng dalaga ay ang young actor na si Paul Salas. 

Noong nakaraang buwan ay nasangkot sa kontrobersiya ang dating magkasintahan. 

Nagsimula ito nang mag-post si Barbie ng cryptic messages kalakip ng larawan niyang may sugat at galos sa katawan.

Malinaw rin niyang ipinahiwatig na biktima siya ng physical abuse, bagamat wala siyang tinukoy na pangalan.

Dahil dito, hindi maiwasan ng netizens na isiping may kinalaman dito si Paul.

Pero nakiusap ang kampo ni Paul, kabilang ang ama nitong si Jim Salas at kaibigang aktor na si Kristoffer Martin, na huwag manghusga lalo pa't hindi pa alam ang tunay na pangyayari.


Stories We Are Tracking

Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse

Samantala, sa TWBA kagabi, pinayuhan ni JM si Barbie na mahalin muna ang sarili pagdating sa pag-ibig.

Pahayag ng aktor, “Lagi mong uunahin ang sarili mo. Lagi mong mamahalin muna ang sarili mo.

"Uuwi kang mag-isa, may babalikan kang buong ikaw bago ka magmahal ng iba.

"Para kahit anong mangyari, kahit gaano kasaklap na inevitable na sirkumstansiya, di ka matitibag."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN