Tina Paner slams Ynez Veneracion for calling her "babalina at bansot"

IMAGE Noel Orsal

Tina Paner on Ynez Veneracion belittling her physical looks: "Hahaha laki ng problema ni @ynez_veneracion888 pati pagiging babalina at bansot ko pinoproblema! Lol" 


Inalmahan ng Kapuso actress na si Tina Paner ang diumano’y panlalait ni Ynez Venerancion sa kanyang pisikal na katangian.

Nag-ugat ito sa Facebook post ni Ynez kung saan nagbahagi siya ng larawan kasama si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez sa isang birthday party noong Lunes, August 27.

Isang netizen ang nag-comment sa wall ni Ynez na “baka may magselos” sa litrato nila ni Monching.

Sagot ni Ynez, “Hahahaha! Di naman cguro sis. May babalina at bansot naman syang bff hahaha! Magsama sila.”

Hindi man diretsahang pinangalanan ni Ynez kung sino ang kanyang tinutukoy, binanggit ng netizen ang apelyidong “Paner” sa dulo ng kanilang palitan ng Facebook comments.

Hirit ng netizen, “Baka sabunutan kayo ni Paner.”

TINA'S REACTION

Nakarating kay Tina ang umano’y pagtawag sa kanya ni Ynez na “babalina at bansot" at agad na binuweltahan ang sexy star.

Kahapon, August 28, ni-repost ni Tina sa kanyang Instagram account ang screenshot ng Facebook thread kung saan pinatutsadahan siya ni Ynez.

Sabi ni Tina, "Hahaha laki ng problema ni @ynez_veneracion888 pati pagiging babalina at bansot ko pinoproblema! Lol" 

Idinaan ni Tina sa hashtag na "#itsgodsgiftnotdoctorsgift" upang igiit na wala siyang ipinaretoke sa kanyang hitsura.

Minsan nang inamin ni Ynez na siya ay sumailalim sa cosmetic surgery upang i-enhance ang kanyang balakang at boobs.

Ngunit nilinaw rin ni Ynez na wala siyang anumang pinabago sa kanyang mukha.


Stories We Are Tracking

Why Ynez Veneracion fears facial cosmetic surgery
Why Ynez Veneracion fears facial cosmetic surgery

ON FRIENDSHIP WITH MONCHING

Si Tina ay ex-girlfriend ni Monching at hanggang sa kasalukuyan ay nananatili silang mabuting magkaibigan.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo, nakasaad na matagal nang tinutukso sina Tina at Monching na magkabalikan ng kanilang common friends sa showbiz.

Ngunit mariing itinanggi ni Tina na may ligawan na namamagitan sa kanila ni Monching.

“Wala talaga. Kaibigan, nagkasama lang kami sa show…”

READ PEPALERTS: Tina Paner at Monching Gutierrez, puwede magkabalikan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN