Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos

IMAGE @chepoxz and @andieigengirl on Instagram

Actress Andi Eigenmann and rumored boyfriend Philmar Alipayo post their sweet photos on social media. The two have yet to confirm if they are already in a relationship. 


Lalong tumibay ang paniniwala ng netizens na magkarelasyon na ang aktres na si Andi Eigenmann at ang surfer na si Philmer Alipayo dahil sa mga larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram Story.

Kabilang dito ang larawan nilang magkahawak-kamay habang naglalakad sa may karagatan.

Simpleng caption ni Andi, “Bye for now paradise.”

Naka-tag dito ang kanyang rumored boyfriend.

Halos ganito rin ang larawang ipinost ni Philmar sa kanyang Instagram Story.

Aniya sa caption, “Safe flight. Amping kaw sanan kita rata pohon” (“Ingat ka sana magkita tayo agad”).



Hindi pa direktang inaamin ng 28-anyos na aktres kung karelasyon na niya si Philmar, na tubong-Surigao at isang champion surfer.

Subalit naging makahulugan ang naging pagbati ni Andi sa surfer sa isang Instagram caption kamakailan.

Ipinost din ni Philmar ang larawan nila ni Andi at gumamit ng hashtags na nagmumungkahing in a relationship ito.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?
Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?

Ang huling nakarelasyon ni Andi ay ang modelong si Emilio Arambulo.

Dati rin niyang naging boyfriend sina Albie Casiño at Jake Ejercito, kung saan mayroon siyang isang anak.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN