Kris Aquino thanks "childhood idol" Sharon Cuneta for defending her against bashers

IMAGE @reallysharoncuneta on Instagram / Noel Orsal

Kris Aquino to Sharon Cuneta: "thank you for this generosity Ate S. My life has been blessed more in knowing I have made a real FRIEND in you."


Pinasalamatan ni Kris Aquino si Sharon Cuneta sa pagtatanggol nito sa kanya kaugnay ng special participation ng una sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians.  

Ni-repost kamakalawa ng Megastar ang Instagram post ni Kris, kung saan nagpasalamat siya mga sumuporta sa pagiging bahagi niya ng pelikula kahit ilang minuto lamang ang kanyang appearance.

Gumanap si Kris bilang Princess Intan, isang Malay princess.

Ipinagtanggol ng Megastar si Kris laban sa ilang Pinoy netizens na minaliit ang role nito sa pelikula.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta slams Kris Aquino bashers
Sharon Cuneta slams Kris Aquino bashers

Sa comments section, at inamin ni Kris na isa siyang Sharonian mula noong bata pa lamang siya.

Ayon pa kay Kris, kung buhay lamang ang kanyang ama, si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr., siguradong kikiligin ito dahil sa pagtatanggol sa kanya ng Megastar.

Sabi pa ni Kris, malaki ang pagkakatulad nila ni Sharon dahil ang kanilang mga ama ang nagsabing kaya nilang abutin ang kanilang mga pangarap.

Ang ama ni Sharon ay ang yumao na ring dating Pasay City mayor na si Pablo Cuneta.

Masaya rin daw si Kris dahil nakakita siya ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Sharon.

Buong komento ni Kris, “I only wish that my Dad had been alive to see this post… sya yung pinakakikiligin to see that his Sharonian daughter who had watched Dear Heart & My Only Love over & over again while we were in exile in Boston got this heartwarming affirmation from her childhood idol.

"I think just like your dad was to you, my dad was also the 1 who instilled in me to believe that my dreams could come true… thank you for this generosity Ate S. My life has been blessed more in knowing I have made a real FRIEND in you.”



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN