Naging viral sa social media ang tila nakatitig na larawan ni Bruno Gabriel sa suot na bikini ng ilang contestants sa isang male pageant kung saan host ang GMA-7 artist.
Dahil dito, may ilang netizens na nag-speculate na baka raw iba ang sexual orientation ng 22-year-old actor.
Natatawang reaksiyon dito ni Bruno, “Well, that’s funny. I think it’s funny!”
Kasunod nito, nagpaliwanag si Bruno tungkol sa viral photos niya.
Saad niya, "The photo that you saw, actually, I found it funny when I first saw it.
“Parang, I have to act, like, I'm offended, but I'm actually not.”
Nangyari raw ito sa Mister Grand Philippines 2018, kung saan isa siya sa mga emcee.
Tatawagin nila ng kanyang co-host ang mga candidate by their number.
At ang number daw nila ay nakalagay sa may gilid ng bikini ng contestant, kaya dun daw siya nakatingin tuwing tatawagin niya ang numero ng mga ito.
Ayon kay Bruno, “So, I did look.
"What's funny here is actually... is that, after looking at the number for the second time, na-realize ko na parang, 'Well, there’s a lot of cameras here, somebody’s gonna take this out of context.'
"And true enough, around three days later, it did.
“And I was, like, 'Yup, there you go.'”
Masasabi ba niyang straight siya?
Sagot niya, “I’m heterosexual.
“Pero, I do support LGBTQ ([esbian, gay, bisexual, transgender, and queer].
“I’m a straight guy, that’s it.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bruno sa grand mediacon ng My Special Tatay noong Martes, August 28, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.
FOURTH TELESERYE
Pang-apat na teleserye na ni Bruno ang My Special Tatay simula nang pumasok siya sa showbiz.
Masaya raw siyang pinagkakatiwalaan siya ng Kapuso network sa ilang mahahalagang proyekto, katulad ng My Special Tatay.
Gagampanan niya rito ang papel ni Orville Villaroman, ang half-brother ni Boyet Villaroman (Ken Chan), isang taong may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.
Ipalalabas ito sa GMA Afternoon Prime simula sa September 3.