Robi Domingo confirms dating college batchmate: "Matagal na kaming magkakilala."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Robi Domingo on dating non-showbiz girl Maqui Pineda: "Ngayong 2018, pinipili ko mas maging masaya at kiligin."


Inamin ni Robi Domingo na batchmate niya sa Ateneo De Manila University ang non-showbiz girl na napapabalitang girlfriend niya ngayon.

Sabi ng Kapamilya TV host, "Matagal na kaming magkakilala.

"Actually, batchmates kami noong college. Doon kami nag-click kumbaga."

Inihayag ito ni Robi sa panayam niya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na umere ngayong araw, August 30.

Kasunod nito ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Robi sa presscon ng bagong ABS-CBN talent show na The Kids’ Choice, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN kaninang tanghali.

Pag-amin ni Robi tungkol sa estado ng kanyang love life, “Lahat naman tayo may choice sa buhay.

“Ngayong 2018, pinipili ko mas maging masaya at kiligin.

“I’m dating.”  

Hindi pa rin pinangalanan ni Robi ang non-showbiz girl na namataang ka-date niya sa dalawang magkaibang okasyon.

Ngunit sa naunang ulat ng PEP.ph noong August 15, nakasaad na namataang ka-date ni Robi ang parehong non-showbiz girl sa premiere night ng pelikulang BuyBust noong Hulyo.

Ipinakilala raw rito ng TV host ang babaeng kasama bilang si Maqui Pineda.

Sabi lang ni Robi ukol sa pagsama niya kay Maqui sa isang media-covered event, "Kasi mahilig siya sa local movies. She’s into supporting local movies, local arts, basta anything local."

Hindi raw niya akalaing ibubuking siya ng kaibigang si Alex Gonzaga.

Si Alex kasi ang nakahuli kay Robi sa isang mall na may ka-date na isang non-showbiz girl nito lang buwan ng Agosto.

Ani Robi, “Honestly, hindi ko talaga alam kung anong nangyari.

"Kung anuman nangyari dun, I really hope na I have to keep it private.

“Kung sino man ang kasama ko, she’s not a public figure. Very private yung family niya.”

ROBI'S HAPPY HEART

Matagal nang single si Robi nang hindi raw niya inaasahang muling mabubuksan ang kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong katangian ng non-showbiz girl na pinaka nagustuhan niya?

Sagot ni Robi, “Wala akong ibinigay na criteria, e. Pero binigyan ko ng four stars, e.

“Basta alam ko, masaya ako.”

Bagamat maaga pa para isipin ni Robi kung si Maqui na ang babaeng nais niyang pakasalan balang-araw, siniguro niyang siya ang tipong siniseryoso ang pakikipagrelasyon.

“Whenever I enter in a relationship, hopefully dun na.

“Hindi naman ako pupunta sa isang relasyon kung maglalaro lang ako.

“Hindi pa handa, pero hinahanda ang sarili.”

ON HIS EX GRETCHEN

Diretsahan ding tinanong si Robi kung tuluyan na niyang nakalimutan ang former longtime girlfriend na si Gretchen Ho.

Lalo na’t madalas pa rin sila nitong magkatrabaho sa paghu-host ng iba’t ibang events.

“Hahaha! Ang init, ha? Wooo!” natatawang reaksiyon ni Robi.

Saka siya nagpatuloy, “Hindi naman talaga mawawala yung pagkakaibigan. Yung history, siyempre nandun pa rin.

“Pero yung degree mag-iiba na iyan. How I treat her will be different.

“Pero yung pakiramdam ko towards her would be the same na pag-care.

"When it comes  to caring, being proud of her, yung paghanga ko sa kanya, ganun pa rin.

“Kaya hanggang ngayon, she serves as inspiration for work.”


Stories We Are Tracking

Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN