Gretchen Ho happy for ex-boyfriend Robi Domingo's newfound love

IMAGE Noel Orsal

Gretchen Ho explains all is well between her and ex-boyfriend Robi Domingo, with whom she broke up more than a year ago. Gretchen is also happy for Robi, who is now rumored to be dating his batchmate from Ateneo de Manila University.


Maayos ang lahat sa pagitan ng Kapamilya TV host na si Gretchen Ho at ex-boyfriend nitong si Robi Domingo.

Kaya walang dahilan upang magkailangan ang dalawa tuwing nagkakasama sa events ng mga produktong iniendorso nila. 

Ani Gretchen, "Okay naman kami, wala naman kaming sama ng loob." 

Katunayan, masaya raw si Gretchen sa balitang may bagong babae sa buhay ni Robi—ang rumored girlfriend nitong si Maqui Pineda.

"Yeah, oo naman. Seeing him happy, sabi ko, that's all we want for each other." 


Stories We Are Tracking

Robi Domingo confirms dating college batchmate
Robi Domingo confirms dating college batchmate



Sa parte naman ng dalaga, hindi pa raw siya aktibong naghahanap o tumatanggap ng bagong manliligaw.

Paliwanag ni Gretchen, "Pero I'm open naman with it. Marami lang din talaga akong iniisip right now.

"May mga nagta-try pero hindi naman lahat ini-entertain natin. Kapag gusto, e, di go. 

"Kapag hindi, di ko pinagbibigyan. Kasi I don't want wasting time, 'cause I am really busy."

Hindi pa ba siya handang pumasok sa panibagong relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Prepared naman, I feel its gonna come when it's gonna come. I don't wanna force things."

Naiulat din kamakailan na may crush daw kay Gretchen si Atty. Gideon Peña, ang abugadong na-link kay Kris Aquino.

Hindi naman itinanggi ng Kapamilya host na lumabas na sila minsan ni Gideon.

"We're friends. He's a good person, he's smart.

"Actually, I followed him on Twitter kasi I like his opinions.

"Parang I try to follow smart people online para I get every perspectives.

"We had dinner with friends once, marami kami nun. With my cousin, kasi friends sila ng cousin ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gretchen sa relaunch ng Celeteque Dermocosmetics line sa S Maison Mall, Conrad Manila, Pasay City, noong Miyerkules, August 29.

ANSWERING A NETIZEN

Ipinaliwanag naman ni Gretchen kung bakit niya sinagot ang isang Twitter user kaugnay ng maling pakahulugan sa kanyang tweet na "Heartbroken and humbled." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gretchen, ito ay tungkol sa nangyaring pagnanakaw ng kanyang gamit habang siya ay nasa London.

Ngunit akala ng netizen ay tungkol ito kay Robi, kaya nag-reply ang netizen kay Gretchen at sinabing mag-move on din siya at dapat ay maging masaya na lang para sa dating kasintahan.

Balik ni Gretchen, "Not everything is about him, my dear. And who says I'm not happy? [smiley face]"

Paliwanag ng dating volleyball player ukol dito, "Kasi nagulat din ako sa nag-comment dun, kasi tungkol talaga yun sa London.

"Parang nagulat ako, bakit na-link na naman dun? So I decided to reply para matapos na."

Dagdag niya, "Parang kailangan ko rin kasing sumagot sa mga tao pagka may ganung mga comment dahil hindi naman puwede na all the time tahimik na lang tayo, so sinagot ko siya para matapos na.

"It's more than a year na," na ang tinutukoy ni Gretchen ay ang paghihiwalay nila ni Robi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho recounts theft incident in London:
Gretchen Ho recounts theft incident in London: "Wala lahat."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN