Gwen Zamora mum about rumored wedding with Jeremy Marquez in Australia

IMAGE Noel Orsal

Gwen Zamora is bent on losing weight she gained from her culinary studies for two good reasons: her boyfriend Jeremy Marquez and planned showbiz comeback. She has been away from showbiz and will be seen again in the epic movie Goyo: Ang Batang Heneral, and after that, "Let's see where my career takes."


Pinabulaanan ni Gwen Zamora ang napapabalitang break na sila ni Jeremy Marquez, isa sa mga anak ng aktor na si Joey Marquez.

Nagsimula ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa dahil dumalang na raw ang pagpu-post ni Gwen sa social media ng larawan nila ni Jeremy.

Ngunit paglilinaw ng aktres, “Yes, we’re still on.

"I’m not super active on Instagram, to begin with.

“Sa [IG] Stories makikita, mas madalas akong nag-i-Stories…"

April ang anniversary month nina Gwen at Jeremy.

Ayon pa sa aktres, “I was 24 when we got together and I’m now 28, so four years. Sana forever.”

May balitang ikinasal na raw sila sa Australia noong 2016 o 2017, pero tikom ang bibig ni Gwen tungkol dito.

So, ilang years pa bago sila magpakasal?

“Ahmm… we’ll see, I don’t know,” tanging tugon nito. 

Ano ang sikreto ng matagal nilang samahan ni Jeremy?

Ayon kay Gwen, “Like every couple, we have our ups and downs, but those are the things that make us stronger.

“We both learn how to accept each other.  

“We have a good relationship, sometimes he knows me better than I know myself, which is nice.

“Like, a few days ago, we were watching TV, and then suddenly I asked, ‘What’s my favorite movie again?’

“And then he reminded me, ‘Blind Side.’ That’s my favorite movie.”

Ang Blind Side ay ang 2009 Hollywood movie na pinagbidahan ni Sandra Bullock, na nanalong Best Actress sa Oscars dahil sa pagganap niya rito.

TAKING A BREAK FROM SHOWBIZ

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa presscon ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na ginanap sa Novotel Hotel noong August 23, Huwebes.

Ang Goyo ang nag-iisang acting project ni Gwen sa kasalukuyan.

Dati siyang Kapuso star at nasa cast ng Bubble Gang, hanggang sa nawala na lang siya sa sirkulasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rason ni Gwen, “I took up Culinary in Enderun and I’m doing my internship now in Toyo, in Pasong Tamo."

Ngayon nga ay mapapanood siyang muli sa Goyo, na tungkol sa buhay ng bayaning si General Gregorio del Pilar.

“I’m waiting for Goyo to come out and then saka na ako magpaplano,” sabi niya bilang pahiwatig na baka bumalik na siyang tuluyan sa showbiz.

“I’m almost done na next month, I’m done na with my internship. I’m ready na for anything.”

Masasabing comeback vehicle ni Gwen ang Goyo at pinag-aralan daw niya nang husto ang ginampanang role dito.

Lahad niya, “I play the role of Remedios Nable who was his last love. 

“I played a lot of olden time character, like sa Inamorata, I channeled everything I learned from there.

“The way I spoke, the way I moved, and also Direk [Jerrold Tarog] was very informative with the information that he gave us.

“They gave me an article dahil yun lang ang nasulat about her and, funny enough, when I got the article, yung picture dun, nung matanda na siya, looked exactly like my lola. 

“Parang natuwa lang kami and then I gave the picture of my lola, natuwa sila dahil they really looked alike talaga.”

Dahil inspiring naman ang karanasan niya sa Goyo, kumbinsido na ba siyang bumalik sa showbiz?

Sagot ni Gwen, “Ang dami ngang nagtatanong when I’m gonna back on TV, when I’m gonna this or that.

“Yun nga, after Goyo let’s see where my career takes.”

Itinanggi ni Gwen ang pagiging mayaman kaya hindi nito kailangang magtrabaho.

Isang restaurateur ang ama ni Gwen at may mataas na posisyon dati sa isa mga malaking hotel sa Middle East.

“No, I miss it though,” paglilinaw niya sa planong pagbabalik-teleserye o pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I like acting, I really do.”

Kapansin-pansin din ang pagbilog ng katawan ni Gwen. 

Hindi naman niya ito itinanggi. Isa nga raw ito sa dahilan kung bakit ayaw muna nyang bumalik agad-agad sa acting.

“Magpapapayat muna ako, tumaba ako; buhay kusinera kasi, e,” sambit nya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN