Ken Chan puts up a brave front amid dad's ongoing battle with cancer

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan puts up a brave front despite his dad's ongoing battle with stage 2 esophageal cancer: "Lakas ako ng tatay ko po, e. Sabi po sa akin ng mama ko, 'Huwag mong ipapakita sa kanya.' Iiyak ako sa loob ng CR, iiyak ako sa… pag kunwari nasa hospital kami, nasa room kami."


Stage 2 esophageal cancer, o cancer of the esophagus, ang sakit ng ama ni Ken Chan.

Noong July lang nadiskubre na may sakit ang ama ng Kapuso young actor.

Lahad niya, “Pero luckily, early detection.

“Kasi si Papa, meron siyang acid reflux. Iyon yung dahilan.

“Dahil sa severity ng acid reflux niya, nasunog ang esophagus niya.

“Nagkaroon ng tumor hanggang sa naging malignant siya.”

Hindi ba ginamot ang acid reflux ng ama niya?

Sabi niya, “Iyon ang ginagamot dahil kailangang gamutin po yun dahil iyon yung cause.”

Dati ba ay hindi pinapansin ng ama niya ang acid reflux nito?

Paglinaw niya, “Pinapansin niya.

“May mga gamot siya for his acid reflux.

“Kaya siya nagkaroon ng acid reflux dahil sa mga gamot na iniinom niya dahil nag-kidney transplant po ang Papa ko.

“Sa gamot and sa kinakain din.

“So naghalu-halo, naging severe yung acid reflux niya hanggang sa naging cancer.”

CHEMOTHERAPY

Sa ngayon, ano ang eksaktong kundisyon ng ama niya?

Saad niya, “Nagpapahinga po siya sa bahay.

“Inoperahan na po yung esophagus niya, tinanggal na [ang parte na may cancer].

“Dinugtong yung esophagus.

“Luckily, sabi nung doctor, yung cancer niya hindi pa lumundag sa lymph nodes, hindi pa lumundag sa ibang part ng organs malapit sa esophagus dahil awa ng Diyos, early detection yung nangyari sa tatay ko po.

“Pero magki-chemo [chemotherapy] pa rin po kami.

“Iyon yung payo ng doktor, para po masimot, para lahat wala, totally wala yung cancer, at maging cancer-free po ang tatay ko.”

Kailan lamang ay pumanaw ang ina ng male star na si Marlo Mortel dahil sa sakit na cancer.

Nakaramdam ba ng kaba o takot si Ken kapag may mga ganitong kaganapan dahil cancer din ang sakit ng ama niya?

Pag-amin niya, “Hindi ako natakot dahil alam kong magiging cancer-free yung tatay ko, e.

“Natatakot lang po ako dahil iki-chemo yung tatay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam… sana makayanan niya dahil ano po siya, kidney transplant.”

Ayon naman daw sa doktor ay kakayanin ng ama ni Ken ang chemotherapy.

“So everytime na iki-chemo po siya, nasa hospital po siya.

“Two days, hindi po siya yung outpatient, nasa hospital lang po siya,” dagdag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa mediacon ng My Special Tatay sa 17th floor ng GMA Network nitong nakaraang Miyerkules, August 29.

Gaganap dito si Ken bilang si Boyet na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.

Kasama rin sa show sina Jestoni Alarcon (Edgar Villaroman); Teresa Loyzaga (Olivia Salcedo-Villaroman); Carmen Soriano ( Soledad Villaroman); Lilet (Isay); Candy Pangilinan (Chona Mariano).

May special guest roles sa My Special Tatay sina Matt Evans (young Edgar); Empress Schuck (young Isay); Valeen Montenegro (young Olivia); Ashley Rivera (young Chona).

Regular cast members naman sina Arra San Agustin (Carol Flores); Jillian Ward (Odette Villaroman), Rita Daniela (Audrey Palomares); Bruno Gabriel (Orville Villaroman); at JK Giducos (Dekdek).

Sa direksyon ni L.A. Madridejos kasama ang second unit director na si Conrado Peru, mapapanood na ang My Special Tatay simula September 3 sa GMA Afternoon Prime.

STAYING STRONG FOR HIS DAD

Aminado si Ken na ilang beses na niyang iniyakan ang kalagayan ng ama niya, pero never daw siyang umiyak sa harap niya.

Pagmamalaki niya, “Lakas ako ng tatay ko po, e.

“Sabi po sa akin ng mama ko, ‘Huwag mong ipapakita sa kanya.’

“Iiyak ako sa loob ng CR, iiyak ako sa… pag kunwari nasa hospital kami, nasa room kami.

“Tapos, may isang time, isang beses nasa hospital kami, nanonood kami ng 24 Oras.

“Biglang nakita niya yung sarili niya sa 24 Oras, nire-report.

“Hindi ko po sinabi sa kanya kasi yung tatay ko po, ayaw niya yung nakikita yung mukha niya dahil nahihiya po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat siya, wala siyang idea, may picture po niya.

“Ako po ang nagbigay dahil dine-dedicate ko po yung My Special Tatay sa kanya.

“Tawang-tawa po siya pero biglang naging seryoso yung topic namin after that.

“Sabi niya sa akin, ‘Anumang mangyari, sobrang proud ako sa iyo.’

“And sabi ko, ‘Pa, 'etong My Special Tatay, dini-dedicate ko sa iyo.’

“Niloloko-loko ko siya.

“Pero nung hindi ko na makayanan, pumunta ako sa CR. Doon ko ibinuhos sa CR ng hospital, sa kuwarto po namin...

“Doon ko iniyak dahil ayokong makita niya na mahina ako, dahil ako ang lakas niya.

“Lalo na sa mga may cancer, dapat hindi natin ipinaparamdam sa kanila, na dapat ipapakita natin sa kanila na kaya!

“Dahil nade-depress sila at yung depression at anxiety ang nagpapalala ng cancer cells.

“Scientifically-speaking, ganun ang nangyayari.

“Mas nagiging active yung mga cancer cells kung depressed or may anxiety ang isang tao.

“At ikaw ba naman malaman mo na may cancer ka, ano ang mapi-feel mo, di ba?

“So nandito kami, nandito ako para sa tatay ko para pasayahin siya at maging malakas para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN