Iza Calzado believes people should be confident regardless of their body size

IMAGE @missizacalzado on Instagram

ABS-CBN actress responds to a netizen who contradicted her opinion about being overweight. Iza emphasized that people should be confident regardless of their body size.


Sinagot ni Iza Calzado ang isang netizen na kinontra ang pananaw niya tungkol sa pagiging overweight.

Ipinost ni Iza sa kanyang Instagram ang cover ng isang international glossy magazine kung saan ang cover girl ay ang plus-size model na si Tess Holliday.

Sa kanyang caption, sinabi ni Iza na sana ay ganito raw ang mga nakita niyang larawan noong bata pa siya—ang panahong mataba siya at puno ng insecurities—para nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili sa kabila ng kanyang hitsura at timbang.

Subalit sa comments section, isang netizen ang kumontra sa pananaw ni Iza.

Sabi ng netizen, mali umano ang mensaheng ipinaparating ng glossy magazine dahil maiisip daw ng batang babaeng mataba na walang masama sa pagiging mataba at hindi na ito gagawa ng paraan upang pumayat at maging malusog.

Banat pa ng netizen, sa palagay daw ba ni Iza ay magiging sikat siya ngayon kung nanatili siyang mataba?


Sumagot si Iza at nagkomentong walang tama o mali sa magkaiba nilang opinyon.

Aniya, ang kanyang pananaw ay bilang isang dating “obese teen who did stupid and harmful things to my body just to achieve what is socially acceptable as think and sexy – most of the times at the expense of my health both mind and body.”

Mensahe pa ni Iza sa netizen, “Your comment on my weight and being artista is a perfect example of words that stopped me from wanting to pursue my dream of being an actress at a young age.”

Ang tinutukoy ni Iza ay ang pananaw na hindi magiging artista o sikat kung mataba o hindi maganda ang hitsura ng isang tao.

Paglinaw niya, “Size should not be a hindrance to performing, expression and entertaining people.”

Alam daw ng aktres na hindi masama ang intensyon ng netizen sa kanyang komento.

“I just wish we would also celebrate those who are confident enough to celebrate their bodies no matter the size,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN