Luis Manzano on engagement to Jessy Mendiola: "It's when people least expect it."

IMAGE @senorita_jessy on Instagram

Luis Manzano on engagement talks with girlfriend Jessy Mendiola: "Ayokong pangunahang pag-usapan kasi pag nangyari yun, it's when people least expect it—especially when she least expects it. Lahat kasing tanong, gusto kong mawala sa isip naming dalawa before it happens."


Noon pa man ay consistent na si Luis Manzano na napag-uusapan na nila ng kasintahang si Jessy Mendiola ang tungkol sa pagle-level up ng kanilang relasyon.

Pero sa ngayon ay hindi pa raw talaga sila umaabot sa usapang engagement gaya ng espekulasyon ng marami.

Kamakailan ay nabuksang muli ang isyu tungkol sa hinihintay na engagement nina Luis at Jessy dahil sa Instagram post ng male TV host kung saan pinag-uusapan nila ng aktres ang tungkol sa pagpapakasal.

Dumagdag pa sa espekulasyon ang pag-post ni Jessy sa kanyang Instagram ng larawan ng kanyang kamay na may suot ng singsing.

Inakala ng iba na baka ito na ang engagement ring nila Luis at Jessy.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis nung nakaraang Linggo, August 26, sa ASAP, nilinaw ni Luis na kahit si Jessy ay magugulat na lang sa sandaling mag-propose siya dito.

Lahad niya, “Ayokong pangunahang pag-usapan kasi pag nangyari yun, it's when people least expect it—especially when she least expects it.

“Lahat kasing tanong, gusto kong mawala sa isip naming dalawa before it happens.”

WEDDING TALKS, BUT NO ENGAGEMENT YET

Nilinaw muli ni Luis na wala pa talagang engagement na nagaganap pero totoo na inupload niya sa Instagram stories niya na pinag-uusapan nila ng girlfriend ang kasal.

Sabi niya, “Pinag-uusapan naman namin dati pa talaga pero yung engagement, wala pa yun.

“Sinabi ko naman na pag lumabas, darating din yung oras na malalaman kung saka-sakali man, pero hindi pa talaga.

“Yes, pinost ko yun in my Instagram Stories.

“Palagi naman talaga naming pinag-uusapan yun, so yun lang na-post namin. Ako pinost ko.”

Tungkol naman sa singsing, kay Jessy pala ang singsing na ito at hindi engagament ring gaya ng espekulasyon ng iba.

“Wala, it's her ring.

“I think it's her ring or from her jeweller.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PRESSURE FROM MOM

Sa interview kay Cong. Vilma Santos sa nakaraang 80th birthday celebration ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde, nabanggit nito na boto siya kay Jessy para sa anak, pero ayaw daw niyang pangunahan ang dalawa sa usaping engagement at pagpapakasal.

Sa naturang panayam din kay Ate Vi ay sinabi nito na excited na siya na magkaroon ng apo sa dalawa.

Pahayag ni Luis tungkol dito, “Oo naman, lahat nga pinapangunahan kami, pero hindi ang Mommy ko, e.

“I think yung kay Mommy, darating kung darating at alam niya yun.

“She'll be one of the first people to know.

“Sobrang excited silang lahat—si Mommy, si Daddy, si Ryan, Tito Ralph, lahat sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN