Melai Cantiveros quashes pregnancy rumors: "Hindi ako pregnant."

IMAGE Nikko Tuazon

Melai Francisco is worried that she might not be able to give their daughters enough time, especially her eldest Mela, if she and husband Jason Francisco decide to have another baby.


Nilinaw ng Kapamilya comedienne-TV host na si Melai Cantiveros na hindi siya buntis.

Noong August 14, ikinagulat ng followers ni Melai ang isang Instagram post kung saan tila hawak at sinusuportahan nito ang kanyang bandang tiyan.

Inakala ng kanyang IG followers na buntis siya dahil na rin sa kalakip na caption ng litrato.

Ang caption nito: "Life is a Blessing , Life is a Wonderful , Life is a Fortunate , Life is a Miraculous... Bukas nyu malalaman ang lahat :) Masisilip nyu na cya bukas :)"

A post shared by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

Sa sumunod na post, nilinaw ni Melai na hindi siya buntis at ang post niya at para sa isang sikat na shopping website.

Bahagi ng kanyang caption: "Oh dba akala nyu buntis ako :) Soon pa yan... Advance nyu kasi mag isip..."

A post shared by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melai, ikinuwento nito ang istorya sa likod ng dalawang nabanggit na Instagram posts.

Aniya, "Pasensiya na, hindi kasi yun… Sa kuwan kasi yun, puwede ko bang sabihin?

"Sa Lazada kasi iyon na parang hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"Kung o-order ba ako... or kung magsi-CR ba ako?

"One-day sale lang sila nung time na yun, so hindi ko alam kung o-order ba ako.

"Akala nila buntis na ako."

Dagdag pa nito, "Hindi yun totoo na buntis ako, ah! Char-char lang yun!

"Malinaw yun na hindi ako pregnant.

"Kaya nakalagay dun sa IG ko na ‘life is beautiful’ dahil 'sale is beautiful,' di ba?

"Akala nila nabuntis na agad, tat*e lang ako nun! Charing lang!"

Nakapanayam ng PEP.ph si Melai sa Nestogrow Gro Happy event sa Acacia Hotel, sa Muntinlupa City, nitong Sabado, September 1.

Sa ngayon, wala pa raw plano si Melai at ang asawa nitong si Jason Francisco na sundan ang dalawang anak nilang sina Mela at Stela.

Paliwanag ng Magandang Buhay host, "Wala pa kaming plano ngayon kasi talagang ang hirap ngayong dalawa na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una pa lang na si Mela, parang gusto ko na agad-agad.

"Nung dalawa na sila, hindi ko na alam kung paano ibibigay yung time sa kanilang dalawa.

"So, parang nakakaawa yung pangatlo kung di mo ulit mabigyan ng time.

"Si Mela na naman ang maaapektuhan. Mabuti na lang si Mela, happy baby siya."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN