Cherie Gil, Eigenmann clan commemorate Mark Gil's 4th death anniversary

IMAGE @macherieamour / @gabbyeigenmann on Instagram

GMA-7 stars Cherie Gil (left) and Gabby Eigenmann (right, center) express how much they miss the late actor Mark Gil on their social media accounts. Cherie and Gabby had a family reunion on Saturday, September 1, to honor the memory of the late actor on his 4th death anniversary.


Apat na taon na ang nakakalipas mula nang pumanaw ang aktor na si Raphael John "Ralph" Gil Eigenmann, o mas kilala bilang Mark Gil.

Hanggang ngayon ay nami-miss pa rin siya ng kanyang mga kamag-anak.

Kagabi, September 1, ay nagtipun-tipon ang kanyang mga mahal sa buhay upang gunitain ang ika-apat na anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

Kabilang sa dumalo sa isang salu-salo na inihandog para kay Mark ay ang kapatid nitong si Cherie Gil.

Ibinahagi ni Cherie sa kanyang Facebook account ang kanilang litrato kasama ang mga anak ni Mark, kabilang sina Gabby, Ira, Timothy (na mas kilala bilang Sid Lucero), Max, Andi, at Stephanie.

Kasama ng litrato ang ang mensahe ni Cherie para sa aktor: "Oh Ralph ... you made this all happen .. you're still and always be with us.

"How this all came about is inexplicable but it had to happen and it did! Because it was meant to be.

"And on this very day when you decided to move on."

Ibinahagi rin ni Cherie kung gaano nito nami-miss ang kanyang namayapang kapatid.

Lahad niya, "Love you Ralph. We celebrate you! Always! I miss you so much!

"Thank you for making me feel you're always there <3"


Sa Instagram naman, ibinahagi ni Gabby ang kanyang pagka-miss sa kanyang ama.

Sulat nito, "Its been 4 years but i still miss you everyday..

"Thankful for my sibs that we still have each other. We got this Dad.. love you..."

Miss na miss naman ni Max ang luto ng kanyang ama.

Post nito sa Instagram, "TODAY. Your day. and just like that the family is together. FOR YOU.

"Gosh, Daddy. You’ve always had a way of bringing us together.. mainly cos of your food..

"Ang SARAP SARAP mo mag luto! Haha! I MISS YOU!!!!!!!!!!

A post shared by Max Eigenmann (@slinkymax) on

Sa edad na 52, binawian ng buhay si Mark noong 2014 dahil sa liver cirrhosis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN