Why does Candy Pangilinan choose to remain single?

IMAGE Noel Orsal

Comedienne Pangilinan explains why she prefers to focus on her son Quentin, who is a special child: "I choose to prioritize my son because I want to provide everything that he needs. Kahit na kaming dalawa na lang sa mundong ito, okey lang. Ang mga lalake naman, nandiyan lang naman sila. Hindi naman tayo mauubusan."


Hindi raw priority ng TV, stage and film comedienne na si Candy Pangilinan ang magkaroon ng boyfriend dahil mas importante raw sa kanya ang mga pangangailangan ng kanyang anak.

Pag-amin niya, "Gano'n talaga, di ba?

“May mga choices ka sa buhay at dapat happy ka sa napili mong iyon.

"I choose to prioritize my son because I want to provide everything that he needs.

“Kahit na kaming dalawa na lang sa mundong ito, okey lang.

"Ang mga lalake naman, nandiyan lang naman sila. Hindi naman tayo mauubusan.

"I tried going out on dates before, pero wala talaga doon ang focus ko."

BACK TO GMA-7

Taong 2015 pa ang huling teleseryeng ginawa ni Candy sa GMA-7.

Ito ay ang MariMar kunsaan bida si Megan Young.

Ngayon ay balik-Kapuso ang komedyante para mapasama sa cast ng My Special Tatay kunsaan gaganap siya bilang ninang ng bidang si Ken Chan.

"Kunsaan naman may offer at maganda naman ang role, siyempre hindi ako tatanggi.

“Kelan ba ako tumanggi sa isang TV project, di ba?

"Thankful ako kay Lord na hanggang ngayon ay kinukuha pa rin tayo at minsan sunud-sunod ang blessings na dumarating," pahayag ni Candy nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng My Special Tatay sa GMA Network Center noong nakaraang August 28.

BUSY WITH PROJECTS

Under Viva Artists Agency (VAA) na pala si Candy kaya naman nakakagawa siya ng iba't ibang shows sa dalawang TV networks at maging sa mga cable channels.

"Gusto ko lang na maging productive parati.

“And natutuwa nga ako na hindi ako nawawalan ng work.

"When I signed up with VAA three years ago, maganda ang pag-manage nila sa akin.

“Aside kasi sa movies, may ginawa rin akong mga shows para sa Cignal at Sari-Sari Channel like yung One Song at itong latest na Ha-Pi House.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, may two movies akong gagawin for Viva.

“Last na ginawa ko was Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi.

"So busy lang talaga, 'tapos heto, pumasok pa ang My Special Tatay, kaya mas busy pa!" tawa pa ni Candy.

ACTING WORKSHOPS

Kung hindi naman daw siya busy sa taping or shooting, nagpa-facilitate din si Candy ng acting workshop para sa mga bata.

"Importante sa akin na may nase-share ako na mga techniques sa mga baguhang artista ngayon.

"Sa totoo lang, maraming puwedeng maging artista, pero iilan lang ang mahuhusay at marunong gumanap sa mga characters nila.

"I've worked with so many new actors ngayon at nakikita ko kung sino ang magaling at sino yung hindi seryoso," diin niya.

IMPRESSED WITH KEN'S ACTING

Pinuri ni Candy ang pag-arte ni Ken Chan sa My Special Tatay kunsaan gumaganap ito bilang karakter na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder.

First time na makatrabaho ni Candy sa isang teleserye si Ken at alam niya na inaral nang husto ng Kapuso actor ang pagganap nito sa kanyang character.

"Ang galing ng batang yan.

“Kuhang-kuha niya ang character niya.

“Nakikita ko na pinag-aralan niya nang mabuti ang bawat kilos ng character niya.

"Makikita mo naman sa mga mata ni Ken na he's really focused.

"May laman ang bawa't kilos at pagbitaw niya ng mga linya.

"Kapag kaeksena ko siya, hindi siya nawawala sa character niya.

“Marunong siyang magbigay at tumanggap. Yun ang importante sa isang aktor.

"Sobra akong na-impress sa kanya talaga.

“Very consistent siya dahil napaka-delicate ng role na ginagampanan niya," dagdag pa ni Candy.

SPECIAL CHILD

Nakaka-relate si Candy sa kuwento ng My Special Tatay dahil ang kanyang 14-year old son na si Quentin ay isang special child.

Na-diagnose si Quentin with autism and ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) noong nine months old pa lang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglabas pa si Candy ng isang book titled Mother Dear: Our Special Love na tungkol sa kakaibang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na may special needs.

Saad niya, "Yun naman ang kailangan talaga, pagmamahal at pag-uunawa.

"Para sa akin, blessing na dumating si Quentin sa buhay ko, kasi mas naging motivated tayo sa buhay.

"Natuto rin tayo na hindi lang isipin ang sarili natin, kundi mas unahin natin ang needs nila.

"Ngayon, marami nang nagagawa ang anak ko.

“Mabilis siyang makapag-memorize, nakaka-interact na siya with many people sa paligid niya, and he makes me proud to be his mother.

"Tayo naman, bilang ina, lahat gagawin mo, di ba?

“Magsisipag ka dahil para ito sa kinabukasan niya.

"I am inspired sa ibang kuwento ng mga parents who have special children.

“Sana maging inspiration din kami ni Quentin sa iba pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN