Andre Paras insists he and mom Jackie Forster are okay despite bashers

IMAGE Noel Orsal / @jackie_forster Instagram

Andre Paras to people spreading wrong speculations about his relationship with mom Jackie Forster: "IM GETTING BASHED FOR SOMETHING IM DOING RIGHT. IM STANDING UP FOR MYSELF AND DEFENDING MYSELF FROM ALL YOU FAKE PEOPLE WHO THINK THEY KNOW OUR LIVES MORE THAN WE DO."


Nagpakawala ng sunud-sunod na pahayag si Andre Paras dahil sa maling panghuhusga ng netizens tungkol sa relasyon nila ng kanyang ina na si Jackie Forster.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Jackie kung saan ipinahiwatig ng dating aktres na nasa proseso pa rin sila ni Andre ng pagsasaayos ng kanilang relasyon matapos ang 12 taong pagkawalay sa isa’t isa.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster denies using Andre, Kobe for fame and money
Jackie Forster denies using Andre, Kobe for fame and money

Sa comments’ section ng post ni Jackie, sumagot si Andre at sinigurong maayos ang lahat sa pagitan nila ng ina.

Paglilinaw ng Kapuso actor-TV host: “MY MOM AND I ARE OKAY.

“PINAPALALA NIYO PA PO KASE SA MGA 'KNOW IT ALL' COMMENTS NIYO EH.

"GAD ITS LIKE YOUR KIDS ARE WAY SMARTER THAN YOU WHEN IT COMES TO PERSONAL SPACE AND SOCIAL MEDIA."

Ipinaliwanag din ni Andre ang kanyang desisyong manahimik kaysa palawigin ang isyung pampamilya, dahil may mga bagay na silang direktang sangkot ang tanging nakakaalam at nakakaintindi.

“I am not explaining anything to anyone and I don't owe an explanation to anyone.

“I'm not living in the past I'm just quiet po.

“This is just between us privacy is everything remember? if you have haters don't mind them. Block and delete.

“That's why we have those options on social media less is more social media is 1% of our lives 99% is privacy.”

NON-STOP SPECULATIONS

Ngunit dismayado si Andre dahil walang tigil umano sa pambabatikos at panghihimasok ang ibang netizens sa kabila ng apela niyang panatilihing pribado kung anuman ang set-up ng kanyang pamilya.

Base pa rin ito sa pahayag ni Andre sa comments’ section ng Instagram post ni Jackie.

Sabi ni Andre, "IM GETTING BASHED FOR SOMETHING IM DOING RIGHT.

"IM STANDING UP FOR MYSELF AND DEFENDING MYSELF FROM ALL YOU FAKE PEOPLE WHO THINK THEY KNOW OUR LIVES MORE THAN WE DO.

"I CHECKED YOUR IG ACCOUNTS. ALL OF YOU ARE HIDING BEHIND FAKE ACCOUNTS AND PRIVATE ACCOUNTS AND THATS WHAT MAKES YOU GUYS 'TOUGH'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"GULAT KAYO NAG REPLY AKO NOH?

"IM SURE SANAY KAYO TAHIMIK LANG AKO PERO NOT THIS TIME.

"I'M DEFENDING MYSELF FROM 'YOU' GUYS WHO FAIL TO UNDERSTAND. SO PLEASE BACK READ."

Sa huli, napakuwestiyon na lang si Andre kung bakit tila hindi naiintindihan ng ibang tao na hindi biro ang sakit na pinagdaanan niya.

"OMG NOBODY STILL GETS MY SIDE. THIS IS DRIVING ME INSANE. NOBODY IS BACKING ME UP. SO FORGET IT READ AGAIN.

"ALL THESE REPLIES ARE DIRECTED AT YOU PEOPLE WHO DONT UNDERSTAND ME. YOU GUYS DONT EVEN KNOW WHAT PAIN IS DO YOU? DAMN"

At press time, naka-disable ang comments sa Instagram post ni Jackie kaya't pansamantalang hindi mababasa ang pahayag ni Andre.

BACKSTORY

Hindi kaila sa publiko na noong Abril 2018 ang unang pagkakataong nakasama muli ni Jackie ang mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras sa Manila pagkatapos ng 12 taong pagkawalay sa isa't isa.

Naging bukas si Jackie sa pagsasabing si Kobe ang unang nag-initiate na sila ay magkaayos noong January 2018.

Nasundan pa ito ng pagkikita nina Jackie at Kobe sa U.S.

At sa loob ng panahong iyon, mula Enero hanggang Pebrero, nagsimulang makausap din ni Jackie ang panganay niyang si Andre sa pamamagitan ng Facebook chat.

Nagkaroon naman ng hiwalay na "date night" sina Jackie at Andre noong Mayo, habang nakabakasyon sa Manila ang dating aktres.

Nitong Hulyo ay nakasama ni Jackie sa isang family photo shoot si Kobe, ngunit hindi kabilang doon si Andre.

Nilinaw noon ni Jackie na bagamat hindi pa lubusang maayos ang lahat sa kanyang pamilya, kumpiyansa siyang mahal siya ng anak na si Andre.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster explains absence of Andre in family shoot
Jackie Forster explains absence of Andre in family shoot
Andre Paras echoes brother Kobe's post on being on their own
Andre Paras echoes brother Kobe's post on being on their own
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe
Jackie Forster posts date night with son Andre Paras
Jackie Forster posts date night with son Andre Paras


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN