Vice Ganda willing to take risks for another chance on love

IMAGE @praybeytbenjamin on Instagram

Vice Ganda on falling in love: "I still want to experience the same happiness I had when I was so in love. E, kesa naman sa umiiyak ka ngayon dahil hindi ka in love, maganda na yung umiyak kasi kasi na in-love ka."


Handa pa rin daw umibig muli si Vice Ganda, 42, kahit ilang beses na siyang nasaktan.

“I’m willing to take the risk.

"Kasi ako, I believe, if it’s about love, it’s worth it,” pahayag ng Kapamilya star sa episode ng programa niyang Gandang Gabi Vice nitong Linggo, September 2.

May mga takot ba siya o trauma sa mga nabigong relasyon?

Saad ni Vice, “Hindi naman trauma. I fear, of course, pero I’m still willing to take the risk.

"I still want to experience the same happiness I had when I was so in love.

“E, kesa naman sa umiiyak ka ngayon dahil hindi ka in love, maganda na yung umiyak kasi kasi na in-love ka."

Sa kabila raw ng failed relationships niya, sinisikap ni Vice na huwag kalimutan ang mga magagandang alaala kasama ang mga naging boyfriend niya.

“Nakaka-recover, pero I don’t easily forget. I choose not to forget.

“I want to bring them with me all the time and, wherever I go, I want to bring the memories.

"Pag naaalala ko, napapasaya pa rin ako kahit alaala lang."

Bagamat may ilang mga personalidad na na-link kay Vice, wala siyang direktang tinukoy kung sino ang talagang nakarelasyon niya sa mga ito.


Stories We Are Tracking

PBA player denies rumored relationship with Vice
PBA player denies rumored relationship with Vice
Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial
Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN