Inah de Belen opens up about past abusive relationships

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen reveals she's had two emotionally abusive ex-boyfriends, a fact that she's hidden even from her mom Janice de Belen. Even though it was a harrowing experience even after she got out of these relationships, Inah said she didn't let dark thoughts win against her. Instead, she prayed.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin si Inah de Belen na naranasan na niyang maging isang verbally abused girlfriend.

Nangyari ang pag-amin ni Inah sa presscon ng bagong Kapuso afternoon drama series na Ika-5 Utos, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, Lunes ng gabi, September 3.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Joanna, isang battered girlfriend, na ginagampanan naman ng kanyang real-life boyfriend na si Jake Vargas.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah, kung sakaling mangyayari iyon sa kanya sa tunay na buhay, mananatli ba siya sa piling ng boyfriend o iiwanan niya ito?

Pag-amin ng 26-year-old Kapuso actress, “To be honest, kaya medyo nag-struggle din ako sa role na ito, kasi the feeling and the situation is very similar to me.

"Not physical, no, no, no... ano lang, emotional.

“A former boyfriend.”

Verbal o emotional abuse daw ang dinanas ni Inah mula sa dating karelasyon.

Non-showbiz ang naturang lalaki at hindi raw niya alam kung nasaan na ito.

At ang nakakagulat pa, nakaranas si Inah ng verbal o emotional abuse mula sa dalawang karelasyon.

Hindi naman siya sinaktan ng pisikal, kundi puro verbal abuse lamang daw ang ginawa sa kanya ng mga ito.

Hiningan namin si Inah ng example ng verbal abuse na dinanas niya.

Aniya, “Wala, minumura lang.”

NOT ONCE, BUT TWICE

Naniniwala ba siya sa sinasabi ng iba na mas masakit ang emotional abuse kaysa physical abuse?

Sagot ng panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada, “I don’t know, kasi never pa naman akong nakaranas ng physical.

"But I guess both, masakit pa rin, whether... you know [emotional].”

Lalo siya, na dalawang beses nakaranas mula sa dalawang magkaibang lalaki.

Ang unang emotionally abusive relationship ni Inah ay natiis daw niya sa loob ng limang taon. 

Bakit limang taon bago siya natauhan? Mahal ba niya ang naturang lalaki noong mga panahong yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Siyempre! Ganun naman yun. I think you'll know at some point, kasi mapapagod ka din.”

Pag-alala niya kung paano natagalan ang relasyon, “Ewan ko, first boyfriend ko kasi, parang, di ba?

“It’s hard, kaya lang… Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal dun, e.”

Sino ang nakipag-break kanino?

“Yung first ata, ako. Yung second, parang siya.”

Sa pangalawang karelasyon niya ay anim na buwan lamang silang nagtagal.

Mabuti at nakawala siya agad?

“Oo! Saka siyempre at that moment, parang inisip ko, ‘Bakit?’

“Pero you know, nung tumagal, sabi ko, ‘Ay, okay naman din.”

LEARNING EXPERIENCE

Parehong non-showbiz ang mga tinutukoy na past boyfriends ni Inah.

Tinanong ba niya ang sarili kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang mga karanasang iyon?

“Oo! Oo, sobra, sobra! I don’t know. Wala akong nakuhang sagot.

“Siyempre you’re gonna ask yourself, ‘Bakit? Magnet ba ako nito, ng mga ganito?’

“Pero you know, I think there is a reason for everything and it’s a learning experience.”

Nakaranas daw si Inah ng depression dahil sa mga pinagdaanan niya.

“Oo naman, oo, na-depress talaga. I mean, anxiety and depression.

“Oh my God! I can’t believe this! My mom is going to read this, my gosh!

“Ngayon lang niya malalaman, so sorry mom, I didn’t tell you,” nag-aalalang sabi ng Kapuso actress.

Wala raw may alam tungkol sa mga kaganapang ito sa nakaraan ni Inah; kahit ang ina niyang si Janice ay hindi ito alam.

“Siyempre, I think I owe it to myself, to really say what happened to me.

“Siguro, you know, this wasn’t super the right way, pero I want to speak also for people who have experienced this.

“Kasi it doesn’t just happen to normal people or people who are not in showbiz, it happens to people in showbiz also. And if I can use this as a platform, to say na naranasan ko ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kinaya niya iyon na malampasan.

“Yeah,” pagsang-ayon ni Inah.

"I WANNA BE LIKE MY MOM."

Gaano siya na-depress noon? Umabot ba siya sa puntong gusto na niyang saktan ang kanyang sarili?

Ayon kay Inah, “Naisip ko, pero hindi ko ginawa.

"Siyempre naisip ko yun, pero thank God, never ko naisip na gawin. Hindi ko ginawa.

“And after that whole phase kasi, na-realize ko na I still have my family, and I’m young, there’s so much more to life than that.

“And siyempre, I thought of my mom also, na parang my mom’s such a strong person, I wanna be like my mom.”

At dahil napagtagumpayan niya ang mga nangyari sa kanya, napatunayan niyang matibay rin siya tulad ng ina niyang si Janice de Belen.

Thankful din si Inah na ngayon ay biniyayaan siya ng isang mabait na karelasyon sa katauhan ni Jake, na sa Ika-5 Utos lamang daw siya pisikal na sinasaktan at hindi sa tunay na buhay.

“Oo naman, I know.

"And I think one of my struggles talaga, kaya siguro nag-struggle talaga ako sa show na ito, honestly, is because for the longest time, hindi ko nabalikan yung feeling na yun.

“And siguro nung una ayokong balikan, natatakot ako, kasi it’s such a dark place to really go to.”

Ilang taon siya noong una niya itong maranasan?

“Matagal na, I think fifteen lang yata ako.”

Maiksi lamang daw ang pagitan ng dalawang mapait na relasyon niyang iyon.

“Mabilis lang!” natatawang sabi ni Inah.

ENCOURAGE OTHERS TO GET OUT

Binalikan at nilinaw namin kay Inah, na ang tinutukoy naming pananakit niya sa sarili niya ay suicide attempt.

Pagkumpirma niya, “Yeah. I thought about it, but I never did it.

"Iniisip ko yung family ko and, you know there’s so much more that I want to do, there’s so much more that I want to experience in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siyempre, nag-pray ako nang nag-pray nung time na yun! Siyempre hindi mawawala si God.

“Kung talagang... for me kasi, if you’re not holding on to something, then it’s very sad.

"Kaya ako talaga, it’s so important na when you go through something like that, you have to hold on to something that is bigger than you, na alam mo na pag pinanghawakan mo ‘to, you’re gonna go through.”

Paano niya na-realize na mali pala ang ginagawa sa kanya?

“Alam mo, to be honest, one day I just woke up, and sabi ko, ‘Ayoko na!’”

Wala rin daw maisip na dahilan si Inah kung bakit naging emotionally abusive ang mga naging karelasyon niya.

“Hindi ko alam! Hindi ko alam. I don’t know.

"Minsan naiisip ko, ‘Am I the type of person na, you know, na talagang alam mong puwedeng apihin talaga?’”

Bilang pagtatapos, sinabi ni Inah, “Actually I feel so relieved na I talked about it kasi it’s something that, you know, I kept for the longest time.

“If my situation before and if my story will inspire someone, or will, you know, help someone go through it or get out of it, then I will do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN