Arra San Agustin reacts to Ken Chan's crush on her

IMAGE Noel Orsal

Arra San Agustin says Ken Chan is one of the best actors among her batchmates. Arra plays Ken's leading lady in the new GMA Afternoon Prime soap My Special Tatay. While Ken has admitted to having a crush on the young actress, Arra maintains that her focus now is her work.


Ang Kapuso young actress na si Arra San Agustin ang leading lady ni Ken Chan sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na My Special Tatay. 

Sa presscon ng teleserye noong August 28, naging open si Ken sa pagsasabing crush niya si Arra at nagagandahan siya rito.

Para naman sa 22-year-old StarStruck alumna, masaya siyang kasama at katrabaho si Ken.

Kuwento ni Arra, “Si Ken naman po kasi, mapagbiro po iyan at very happy kid po talaga si Ken.

"Hindi ko po siya nakikita na nakasimangot o bad trip.

"Kahit na may pinagdadaanan siya, alam ko, hindi niya yun ipinapakita sa amin. Okay lang siya.

“Gusto niya, good vibes ako, influence kita na ganito ang energy ko at happy ka rin.

"Ayaw niya na nagiging negative ang energy niya around co-actors."

Ang tinutukoy ni Arra na pinagdadaanan ni Ken ay ang pagkakaroon ng cancer ng ama ng aktor.

Paano niya nalamang crush siya ni Ken?

“Sinasabi niya po!” natawang sabi ni Arra.

“At saka kunwari may mga tao, sasabihin niya, 'Crush ko iyan, e.' Natutuwa naman po ako.”

Sabi pa ng dalaga, “Mabait at saka sobrang galing na actor ni Ken Chan. Hindi ako nambobola or nagsu-sugarcoat. 

“Actually, as of now, isa siya sa pinakamagaling among my batchmates. Natutuwa po talaga ko sa kanya.

“Ako kasi, inaamin ko na medyo mahaba-haba pa ang preparation ko bago ako sobrang lumundag sa character ko, kung anuman yung intensity ng character ko.

“Si Ken kasi, kapag sinabak mo siya sa set, siya na yun, e. Siya na agad si Boyet.

"Kaya nakaka-inspire, nakaka-motivate po talaga siya."

Puwedeng may mag-react sa naging pahayag ni Arra na, para sa kanya, si Ken ang pinakamagaling na actor sa batch nila.

Mabilis na depensa ni Arra, “Iba-iba naman po kasi sila ng pagkagaling.

“Ina-admire ko rin naman po silang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MUM ON LOVE LIFE

Tikom naman ang bibig ni Arra pagdating sa estado ng kanyang love life.

Kung pagbabasehan kasi ang mga dati niyang post sa social media, tila mahihirapan si Ken dahil mukhang may boyfriend na ang young actress sa totoong buhay. 

Iwas na sagot ni Arra, “Actually po, yung blessing po ni Lord sa akin ngayon at yung trust po sa akin ng GMA sa ganitong opportunity, kailangan dito muna po ako.

“Kami po ni Ken, dito muna po ang focus.”

Pero personal na buhay naman niya kung mayroon man siyang karelasyon, di ba?

“Kaya ko naman pong i-isolate ang personal life ko. As of now, nandito po ako at ito muna po ako talaga,” sabi ni Arra.

Pero in a relationship pa rin siya?

“Ngayon po, I’m in a relationship with my work po,” tugon niya.

Hindi raw nag-audition si Arra para sa My Special Tatay.

Dahil nagkasama rin sila ni Ken sa The Cure, naging daan ba ang dati nilang teleserye na nakitaan sila ng chemistry ng Kapuso network?

Kuwento ni Arra, “Siguro a week before matapos ang The Cure, sinabihan po ako na may bagong show.

"Hindi ko po alam na ito na po yun. Then eventually, nalaman ko na kasama ko po pala si Ken.

“So, unang-una, natuwa po ako na si Ken ang makakasama ko. Comfortable na ako kay Ken, nakakabiruan ko na siya.

"Nakakapag-express na ako sa kanya at hindi na ako masyadong awkward sa kanya kapag katabi ko siya.

“Kaya malaking bagay po yun na siya ang kasama ko.”

Natatawa lang daw si Arra dahil may ibang fans na “BoRol” ang tawag sa kanila ni Ken dahil sa mga pangalan ng karakter nila sa My Special Tatay na Boyet at Carol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN