Valerie Concepcion gets emotional over bond between her daughter, fiancé

IMAGE Noel Orsal

Valerie Concepcion reveals fiancé Francis Sunga has a nine-year-old daughter: "So, he's not new to having a daughter. Kaya alam na alam niya kung paano yung kiliti ng mga bata. That's one thing I'm thankful for din sa kanya."


Hindi napigilang humagulhol ni Valerie Concepcion nang mapag-usapan ang magandang relasyon ng kanyang anak na si Heather Fiona sa fiancé ng aktres na si Francis Sunga.

Bakit nga ba emosyunal siya kapag tungkol kay Fiona ang usapin?

Tugon ni Valerie sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ika-5 Utos kagabi, September 3, “Kasi... okay, paano ba?

“For the longest time, kaya gusto ko mag-asawa kasi I want my daughter to have a father.

“Because, we all know na magpu-fourteen years old na siya sa October, pero hindi pa rin niya nami-meet yung father niya.

“'Tapos, now na merong someone who’s willing to take care in, na 'anak' na yung tawag, nakaka-touch lang talaga.”

Dagdag pa ng aktres, “Oo naman, Papa ang tawag. Emotional ako pagdating sa anak ko.”

Ikinatutuwa raw ni Valerie na kasundo ni Francis si Fiona, at anak na ang turing nito sa kanyang dalagitang anak.

Aniya, “Oo, in fairness talaga.

"Alam mo, ngayon natutuwa ako kapag nagtatawagan na sila ng ‘Papa’ tsaka ‘Anak.’

"Kasi sasabihin ng fiancé ko na, ‘O, nasundo mo na ba yung anak natin?’”

Ayon kay Valerie, si Francis ang nagsisilbing father figure ng kanyang anak ngayon.

“Yes, absolutely, kasi meron din siyang daughter na nine years old.

“So he’s not new to having a daughter. Kaya alam na alam niya kung paano yung kiliti ng mga bata.

"That’s one thing I’m thankful for din sa kanya.

“Kasi nga, he knows already how to take care of a child, ganyan.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN