Loisa Andalio dismisses Ronnie Alonte-Vice Ganda secret relationship rumors

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio is saddened by people who fabricate rumors against her rumored boyfriend Ronnie Alonte, and comedian-host Vice Ganda. "Ang alam lang nila gumawa ng kuwento, manira ng ibang tao."


Hindi naniniwala si Loisa Andalio sa matagal nang usap-usapang may tagong relasyon diumano sa rumored boyfriend niyang si Ronnie Alonte at sa kasama nito sa It's Showtime na si Vice Ganda.

Ilang beses nang nilinaw nina Ronnie at Vice na walang malisya ang pagiging malapit nila sa isa't isa, pero patuloy pa rin ang pagdududa ng marami.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Loisa sa photo shoot para sa Cinema One Originals 2018, na ginanap sa Studio 11 ng old DTC building ng ABS-CBN, noong Miyerkules, August 29.

Dito ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa matagal nang nabibigyang kulay na pagkakaugnay nina Ronnie at Vice.

Ani Loisa, "Actually, sa sinasabi ng ibang mga tao, hindi ako naaapektuhan. Ewan ko, sobrang manhid ko na sa kanila.

"Hindi ko alam, parang na-immune na ako sa kanila.

"Kung ano ang mga sinasabi nila, hindi ako naniniwala dahil napakatalino nilang gumawa ng kuwento."

Patuloy pa ng dalaga, "Siyempre maniniwala ako kay Ronnie.

"And kaibigan ko si Ate Vice... hindi lang kaibigan, nanay-nanayan ko na.

"Wala, hindi ako naaapektuhan. 

"Grabe ang mga tao, kahit gaano ka pa kabuti o kahit gaano kaganda ang ipakita sa kapwa mo, may masasabi at masasabi sila."

Alam daw ni Loisa kung gaano kalapit sa isa't isa ang rumored boyfriend at ang komedyante.

"Si Ronnie at si Vice, sobrang close nila talaga. Anak-anakan, halos ganun na nga rin.

"Grabe sila mag-asaran, sobrang kumportable."

LAUGHING IT OFF

Kung sina Ronnie at Vice ay magkasama sa It's Showtime, sina Loisa at Vice naman ay magkasama sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya.

Kaya naman naging malapit na rin ang young actress sa comedian-host.

Kuwento pa ni Loisa, "Sa akin naman, si Ate Vice, sobrang sweet, as in.

"Pag may eksena ako, inaayusan niya ako, kasi princess ako dun, e. Sobrang concerned niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabuti niyang tao na wala kang reason o kapal ng mukha para pag-isipan ng hindi maganda."

Ikinalulungkot ni Loisa kung paano magbigay ng malisya ang ibang tao.

"Nakakaawa na, 'Kawawa naman ang mga taong ito, walang alam.'

"Ang alam lang nila, gumawa ng kuwento, manira ng ibang tao. Parang nakakaawa sila."

Tinatawanan lang din daw ni Ronnie at ng pamilya nito ang pagkakaugnay nito kay Vice.

Ani Loisa, "Hindi talaga, as in tinatawanan niya lang. Yung mama niya, si Tita Gina, may mga diyaryo daw na lumalabas.

"Natatawa lang sila kahit family niya kasi siyempre alam naman nila yun, e."

Kumusta naman sila ni Ronnie pagkatapos dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon?

Ayon kay Loisa, "Okay, sobrang okay kaming dalawa.

"Mas masaya, mas matatag, mas strong, mas happy. Sobrang mas better ngayon."

Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si Loisa sa LoiNie fans na hindi bumitaw at patuloy na nagmamahal sa kanila ni Ronnie.

"Ako, personally, gusto kong magpasalamat sa lahat ng fans.

"Actually, di nga fans, pamilya na nga sila, sa mga pamilya ko na sumusuporta sa amin—sa akin, kay Ronnie.

"Maraming-maraming salamat sa inyo kasi hindi ninyo kami iniwan.

"Yung panahon na sobra kaming down, hindi sila bumitaw.

"Hindi nila kami minahal as Loisa or Ronnie na artista na nagpe-perform. Minahal nila kami bilang kami.

"Hindi yung Loisa na artista o Ronnie na artista, yung pagkatao ko bilang Loisa."

Dagdag pa ni Loisa, "Kusa ninyong ibinibigay kahit di naman sigurado kung may makukuha kayong kapalit.

"Pero ganun kayo nagmamahal sa amin kaya gusto naming sabihin sa inyo na mahal na mahal namin kayo.

"Gusto naming magpasalamat sa walang-sawang suporta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN