JM de Guzman denies involvement in Barbie Imperial-Paul Salas breakup

IMAGE Noel Orsal

JM de Guzman says it's not hard to fall for his Araw Gabi co-star Barbie Imperial. "Masarap siyang kasama, mabait, madaling katrabaho. Kahit sinong lalaki siguro, madali siyang magugustuhan." He clarifies however, that work is their priority for now.


Itinanggi ni JM de Guzman na siya ang third party involved sa hiwalayan ng Araw Gabi co-star niyang si Barbie Imperial at ex-boyfriend nitong si Paul Salas.

Naiturong dahil si JM kaya raw nagkaroon ng lakas ng loob kalasan ni Barbie si Paul, sa kabila ng ilang beses daw na paggawa ng paraan ng huli para magkaayos sila ng Kapamilya actress.

Hindi naman daw nao-offend ang aktor na nadamay siya sa complicated breakup ng kapareha.

Ani JM, "I don't feel bad kasi alam ko naman na bago mag-start yung serye, magkakaibigan kami.

"Nagkaroon lang siguro ng problema sa kanila, hindi na-settle masyado."

Nanliligaw ba siya kay Barbie o may espesyal ba talagang pagtitinginang nabubuo sa kanila?

Sagot ng aktor, "Iniisip na lang muna namin kung paano namin mas maibibigay ang best namin as a love team, as a team.

"Dun na muna kami magpo-focus."

Pero dagdag ni JM, "Masarap siyang kasama, mabait, madaling katrabaho.

"Kahit sinong lalaki siguro, madali siyang magugustuhan."

Hiningan din namin ng reaksiyon ang aktor sa kontrobersiyal na post ni Barbie kunsaan makikitang may mga pasa siya sa katawan. Dito nagsimula ang usap-usapang pisikal siyang sinasaktan ng ex-boyfriend.

Ilag ni JM, "Ayokong sumali sa isyu na yun kasi masyado nang personal. It's between the two of them."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JM sa red-carpet premiere ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall noong August 30.

NEW MOVIE

Ayon kay JM, sa ngayon ay mas nagiging malalim ang pagkakaibigan nila ni Barbie.

"Okay naman, mas nagiging strong yung friendship namin."

Nagpapasalamat din si Jm sa patuloy na mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Araw Gabi.

"Masaya din, sobrang grateful sa mga fans. Sobra-sobra ang suporta na ibinibigay nila."

Bukod sa teleserye, tinatapos din ng aktor ang pelikulang pagtatambalan nila ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, ang Kung Paano Siya Nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang excited kami. Teaser pa lang, sobrang excited kami."

Maganda naman ang experience ni JM kay Rhian bilang leading lady.

Aniya, "Wala akong masabi. sobra, lagpas 100 percent ang binibigay niya, so ang dali niyang katrabaho.

"Ang saya, collaborative, pati yung director. Hindi kami nagse-settle sa puwede na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN