Louise delos Reyes says she found "the best boyfriend"

IMAGE @louise.dr Instagram

Louise delos Reyes reveals non-showbiz boyfriend helped her organize her 26th birthday bash last Saturday, September 1: "Thank you for helping me make our DIY decors, from going to Divisoria to drawing and cutting decors, I finally found someone who is as DIY crazy as me!"


Inihayag ni Louise delos Reyes na wala na siyang mahihiling pa mula sa non-showbiz boyfriend niyang nagngangalang Jino.

Bihirang magbigay ng detalye si Louise tungkol sa nobyo, ngunit pinasalamatan niya ito sa pag-organisa ng kanyang 26th birthday party sa isang restobar sa Makati City noong Sabado, Setyembre 1.

Pahayag ni Louise, “Thank you for helping me make our DIY decors, from going to Divisoria to drawing and cutting decors, I finally found someone who is as DIY crazy as me!

“Thank you for making sure that everything is well executed. Thank you for the surprise!”

Base ito sa Instagram post ni Louise kahapon, Setyembre 3, kung saan nakalakip ang ilang litrato nila ni Jino na kuha sa party.

Dito rin buong-pagmamalaking idineklara ni Louise ang pagmamahal para kay Jino, na tinawag ng Kapamilya actress na “My Love.”

“Totoo sinasabi nila, YOU ARE THE BEST BOYFRIEND! Thank you for your patience and understanding Love.

“Wala na akong ibang masabi kundi Thank you. I’m so lucky to have you in my life @jinob08.

“Life’s better with you.”

Noong Abril unang nagpahiwatig si Louise tungkol sa kanyang bagong pag-ibig, base sa kanyang Instagram post kung saan kasama niya si Jino.

Hanggang sa noong Agosto ay tuluyang isinapubliko ni Louise sa kanyang Instagram wall ang sweet photos nila ng nobyo na kuha sa isang photo booth.

BREAKUP WITH CHAMP

Ang huling naging nobyo ni Louise na tiga-showbiz ay ang Hale singer na si Champ Lui-Pio—bagay na inamin lang ng aktres noong October 2016.

Nanatiling mailap si Louise tungkol sa relasyon nila ni Champ, hanggang sa mauwi sila sa hiwalayan pagpasok ng taong 2018.

Base ito sa matatalinhagang Instagram posts ni Louise tungkol sa pagiging “single” at pagiging bukas muli sa bagong adventures sa kanyang buhay mula Enero hanggang Pebrero nitong taon.


Stories We Are Tracking

Louise delos Reyes posts kissing photo with non-showbiz guy
Louise delos Reyes posts kissing photo with non-showbiz guy
Louise prefers low-key relationship with rockstar boyfriend
Louise prefers low-key relationship with rockstar boyfriend
Aljur finally admits short-lived romance with Louise
Aljur finally admits short-lived romance with Louise


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN