Kyline Alcantara fangirls over Maine Mendoza

IMAGE Instagram / Glenn Regondola

Kyline Alcantara is thrilled performing alongside Maine Mendoza during guest appearance on Eat Bulaga! "Idol ko po siya. Kasi isa siya sa mga nagpapasaya ng mga tao, at yun din po ang isa sa mga goals ko, ang magpasaya ng mga tao."


Dream come true para kay Kyline Alcantara ang makasama si Maine Mendoza sa huling parte ng opening number sa Eat Bulaga! noong Sabado, September 1. 

Katuparan din daw ng isa sa birthday wishes ng Kambal, Karibal na makita nang personal ang phenomenal TV star dalawang araw bago sumapit ang kanyang 16th birthday.

Si Kyline ay nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, September 3.

"Ang saya-saya ko po dun," kuwento ng Kapuso young actress sa pagsasama nila ni Maine sa production number.

"Kasi po, kahit nasa kabila pa ako [ABS-CBN] ay napapanood ko po siya."

Ayon kay Kyline, nasubaybayan niya ang istorya AlDub sa Eat Bulaga!, kung saan nabuo at sumikat ang tambalan nina Maine at Alden Richards.

Aniya, “Talagang nasubaybayan ko rin po yung times na kahit hindi pa sila naghahawakan ng kamay nila Alden, kahit maaaring off-cam nagkahawakan na sila ng kamay o beso-beso, andun pa rin ako sa kanila, nakatutok sa TV."

Sabi pa niya tungkol kay Maine, “Well, I’m just so happy kasi isa po siya sa mga prime artists ng GMA, and I’m so happy na nandito siya.

“Yun nga po, she’s so humble.”

Nagkatabi sina Kyline at Maine habang kinakanta ang song medley ng "We Built This City" at "It’s My Life" sa nabanggit na prod number.

Ano ang feeling niya noong makatabi si Maine?

Ani Kyline, “Ako, kinilig po ako. Hindi lang ako siyempre nagpahalata.

"Parang, 'Puwede po magpa-picture?' pero deep inside..." Dito ay minuwestra niya kung paano siya kinilig.

“Maine Mendoza kaya 'to!” dagdag pa ni Kyline.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa huling preparasyon niya para sa kanyang upcoming concert, ang Kyline Take Flight, na gaganapin sa Skydome, SM The Block, Quezon City, sa September 8.

Ayon pa sa 16-year old actress, pinanghihinayangan niya na walang pagkakataong magkausap man lang sila ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahiya po ako. Ang tahimik lang po kasi ni Maine sa totoong buhay.

"Kumbaga sa TV, parang ang jolly-jolly niya, pero off-cam, tahimik siya.

"So, parang ako na ang nahiya."

Ano naman ang unang impression niya kay Maine?

Saad ni Kyline, “Akala ko po kasi sa una ay mataray siya, pero ako pa nga unang nagbeso.

“Siya pa nga po yung unang nag-reach out sa akin.

"Hindi naman po yung nag-reach na, pabeso na kasi ako, 'tapos nag-back-off ako.

“'Tapos siya yung nag-look back pa sa akin, and then nagbeso na kami. Ewan ko, nahiya lang ako.”

Kuwento pa ni Kyline sa kanilang performance, hindi sila magkatabi talaga ni Maine sa unang blocking, ngunit bigla itong nag-iba.

"[Kinuha] ko na yung chance," sabi niya.

"Idol ko po siya. Kasi isa siya sa mga nagpapasaya ng mga tao, at yun din po ang isa sa mga goals ko, ang magpasaya ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN