Sharon Cuneta dismisses "plastikan friendship" with Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal / FM Ganal

Sharon Cuneta responds to netizen who implied that her friendship with Kris Aquino is not genuine.


Umalma si Sharon Cuneta sa mga netizen na nagkomentong nagpaplastikan lang diumano sila ni Kris Aquino.

Nagsimula ito nang i-post ng Megastar sa Instagram ang regalong balloon arrangements ni Kris para sa kanila ng mister na si Senator Kiko Pangilinan nitong Lunes, September 3.

Kalakip ng regalo ang sulat ni Kris para sa friendship ng mag-asawa.

Ito ay matapos ipagtanggol ni Sharon si Kris laban sa mga minamaliit ang partisipasyon ng huli sa Hollywood film na Crazy Rich Asians.

Sa comments section ng post ni Sharon, may netizens na nagpasaring sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang “Orocan” at “Tupperware.”

Ibig sabihin, nagpaplastikan lang diumano ang big-name stars na sina Sharon at Kris.

Hindi ito pinalampas ng Megastar.

Buwelta ng 52-anyos na actress-singer, "'Haters and bullies will be blocked. More love less hate?' This is what your profile says.

"And yet you seem to encourage the opposite by implying plastic kami to each other?

“Please be kind. We haven’t done anything to you to deserve that.”




Hindi ito ang unang pagkakataong pinag-away, inakusahang nagpaplastikan, at kinuwestiyon ang pagkakaibigan nina Sharon at Kris, subalit idiniin ng dalawa na maayos ang kanilang samahan.


Stories We Are Tracking

Kris answers netizen asking if she and Sharon are not okay
Kris answers netizen asking if she and Sharon are not okay
Sharon clarifies there is no problem between her and Kris
Sharon clarifies there is no problem between her and Kris


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN