Robin Padilla mocks Sen. Antonio Trillanes: "Huwag kang magtago sa saya ng Senado."

IMAGE Courtesy: GMA News Online / Noel Orsal

Robin Padilla fires back at Senator Antonio Trillanes: "Ako nagpunta ako ng senado upang makita ko ang pagsilbi ng batas. Kasi sa batas, no one is above the law. Iyan, pare, ang point natin, e."


Personal na nagtungo si Robin Padilla sa Senado kahapon, September 4, dahil inaabangan nito ang posibleng pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV.

Binawian ng amnestiya si Trillanes kaugnay ng coup d’etat cases na kinahaharap nito dahil sa naging partisipasyon niya sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.

Ayon sa nilagdaang Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte, void ab initio (void from the beginning) ang amnesty na iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino III kay Trillanes dahil hindi raw ito nagpasa ng kaukulang requirements at hindi nito inamin ang kanyang pagkakasala.

Kahapon ay dumating si Robin sa bisinidad ng Senado upang magmanman kung sumama ang senador sa arresting officers na nakaantabay na rin sa labas ng gusali.

Kasunod nito, isang Facebook live ang ginawa ng Kapamilya actor kung saan pinagtawanan niya si Trillanes.

Tila pang-uuyam ni Robin sa senador, “Labas na diyan. Labas na diyan, pare.

"Huwag kang magtago sa saya ng Senado. Halika, Trillanes.

“Ang dami sinasabi ni Trillanes, ang daming palusot, nagtago pa sa Senado!” kasunod ang malutong na halakhak.

Dagdag pa ng aktor, na masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte, “Kami mga ordinaryong tao, kapag may kaso, wala kaming magawa.

"Kapag sinabi ng pulis na kailangan namin sumama sa kanila, sumasama kami.

"Kahit na alam namin na wala kaming kasalanan.

“Kasi yun ang sinasabi ng batas.”

Banat pa ni Robin, “Ang balita ko, diyan ka matutulog sa senado. Kayo ba ang nagbabayad ng kuryente diyan?

"Pambihira kayo. Kami ang nagbabayad diyan.

"Ano ba naman yung mag-submit kayo diyan sa authority?"

Marami pang patutsada si Robin laban kay Trillanes sa halos 20 minutong Facebook live nito.

TRILLANES REACTS

Kinagabihan, sa panayam ng media, hiningan ng pahayag si Senator Trillanes ukol sa mga sinabi ni Robin.

Buwelta niya, “So, papansinin ko siya? Ayan na, binigyan ko siya ng two seconds na atensiyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Trillanes, “Parang bata. It's too petty, e.

"We're dealing with national problems here, 'tapos you have immature people like that."

ROBIN ANSWERS TRILLANES

Ngayong Miyerkules ng umaga, September 5, sinagot naman ni Robin ang patutsada sa kanya ni Senator Trillanes.

Sinimulan niya ito sa paghingi ng dispensa sa mga kapamilya ni Trillanes na maaari raw na na-offend sa kanyang labis na kasiyahan sa nakatakdang pag-aresto sa senador.

Kasunod nito, binanatan muli ng aktor ang kanyang kaklase sa high school dahil sa “immature” na paglalarawan nito sa kanya.

Sabi ni Robin, “Alam mo, Antonio, sa usapin na ito, ikaw ang parang bata, e. Ikaw ang nakipagtaguan.

“Ako nagpunta ako ng Senado upang makita ko ang pagsilbi ng batas.

“Kasi sa batas, no one is above the law.

"Iyan, pare, ang point natin, e. Dapat ang lahat ay sumusunod sa batas.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN