Barbie Imperial forgives Paul Salas despite not getting an apology

IMAGE Noel Orsal

Barbie Imperial on ex-boyfriend Paul Salas: "Mahirap kasing magpatawad ng isang tao na never na humingi ng sorry. Sa sarili ko na lang, pinatawad ko na lang siya. Kasi mas madali din yun para sa akin para maging mas okay na ako, maka-move on ako, at maging happy ako sa life ko."


Nilinaw ni Barbie Imperial na para sa kanyang sarili ang pahayag niyang napatawad na niya ang ex-boyfriend na si Paul Salas.

Ito ay dahil hindi pa naman humihingi ng tawad sa kanya ang aktor.

Paliwanag ng 20-year-old Kapamilya actress, “Mahirap kasing magpatawad ng isang tao na never na humingi ng sorry.

“Sa sarili ko na lang, pinatawad ko na lang siya.

“Kasi mas madali din yun para sa akin para maging mas okay na ako, maka-move on ako, at maging happy ako sa life ko.

“Tapos na yun kaya, para sa akin, move on na lang.”

Ayon pa kay Barbie, pinatibay siya sa buhay dahil sa ginawang pang-iiwan sa kanila ng ama noon.

“Sa akin din naman, kung hindi para sa akin, okay lang.

“Yung mindset ko kasi, e, yung dad ko nga before, iniwan kami.

“Parang sa akin, kung iniwan kami ng dad ko at nakaya ko nung lumaki ako, at napatawad ko siya, bakit ang ibang tao hindi ko kakayanin na iwan nila ako at patawarin sila?”

Nananatili namang tahimik si Paul, bagamat may mga pahayag noon ang ilang malapit sa kanya na walang dapat ihingi ng tawad ang aktor lalo pa't walang katotohanan ang mga akusasyon laban dito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Barbie sa premiere ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral sa SM Megamall Cinema noong August 30.

NO RECONCILIATION

May natitira pa ba siyang pagmamahal para kay Paul?

Tugon ni Barbie, “Hindi naman mawawala yung pagmamahal, kahit sino naman, e.

“May darating lang siguro na mas mamahalin mo.

"Pero yung love, never namang nawala.

“Hindi naman yung love ko pa rin siya hanggang ngayon, minahal ko na lang siya, parang ganun.”

Isinasara na rin ni Barbie ang kanyang pintuan sa posibilidad na magkabalikan sila.

Aniya, “Ayoko na talaga... career.

"Ang saya lang kasi mas marami palang nagmamahal sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap lang sa feeling na may freedom ako na makipagkaibigan sa iba, makipag-bonding sa iba.”

Bukas ba siyang maging magkaibigan sila ng dating kasintahan?

“Siguro sa ngayon hindi ko pa masasabi kasi kahit siya naman, anuman ang maging desisyon niya, rerespetuhin ko yun.

“May pinagsamahan naman kami, time na lang ang makakapagsabi kung ano talaga.”

May komunikasyon pa ba sila ni Paul ngayon?

Sagot ni Barbie, “Hindi, never. Siya ang nag-unfollow. So ako din, in-unfollow ko na rin siya.”

JM DE GUZMAN

Pinabulaanan din ni Barbie na ang leading man niya sa Araw Gabi na si JM de Guzman ang rason ng paghihiwalay nila ni Paul.

Diin niya, “No, hindi, hindi talaga.

“Sobrang laki ng respeto ni JM sa dating relasyon namin ni Paul, so hindi talaga.”

Kumusta naman ang samahan nila ni JM?

“Okay naman, every day mas nagiging close kami. 

“Mabait na tao si JM, as in sobrang deep niyang magsalita, marami kang matututunan sa kanya.”

May posibilidad bang ma-develop siya sa kapareha?

Ayon kay Barbie, “Sa ngayon, hindi puwedeng ganun agad, e, kabi-break ko lang. Kailangan kong mag-heal.

“Kawawa naman si JM din kung magiging kami agad na hindi pa naman talaga ako ready pa.”

Maghihinay-hinay raw muna siya kung darating ang puntong handa na siya sa panibagong pakikipagrelasyon.

“Oo. Siguro na-learn ko na people change talaga, and kailangan nating tanggapin yun.

“Kasi hindi naman lahat ng tao nag-i-stay talaga na kung ano ang ipinakita nila sa simula.

“Happy ako kasi dati fan lang naman ako ni Paul, at least naging kami. Wala akong regrets.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Paul Salas kaugnay ng mga naging pahayag ni Barbie Imperial.


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial to ex-boyfriend:
Barbie Imperial to ex-boyfriend: "Napatawad na kita."
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
JM clarifies remark about Barbie being single
JM clarifies remark about Barbie being single


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN