Jeric Gonzales reacts to Bianca Umali-Kyline Alcantara rumored rift

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales is happy to be part of GMA-7's new teleserye Ika-5 Utos: "Siyempre, tuluy-tuloy ang trabaho ko, 'tapos nakakaipon." As for his rumored courtship of Pauline Mendoza, he said, "Career muna talaga ang uunahin namin."


Nanliligaw ba si Jeric Gonzales kay Pauline Mendoza?

Nagkasama ang dalawa sa katatapos na prime-time teleserye na Kambal, Karibal ng GMA-7.

“Hindi ko po siya nililigawan, actually lahat po talaga kami close friends,” tugon ni Jeric, na ang tinutukoy ay ang co-stars nilang sina Bianca Umali at Kyline Alcantara.

Patuloy pa niya, "Si Kyline at si Pauline ang close ko.

"Nagkataon lang na mas close kami ni Pauline, more than Kyline and Bianca.

"Siguro ano kami, nakikita lang yung sweetness namin, pero hindi nawawala sa amin yung focus namin.

"Career muna talaga ang uunahin namin."

Pahabol pa ng 26-year-old actor, "Si Pauline, bata pa, 18 pa lang siya."

Itinanggi na rin ng teen actress sa isang interview na nanliligaw sa kanya si Jeric.

Sa mga panahong nagte-taping pa sila ng Kambal, Karibal, aware ba si Jeric sa diumano'y alitan sa pagitan nina Bianca at Kyline?

Saad niya, "Wala na ako nun that time…

"Medyo nalungkot nga ako nung nalaman ko iyan, nung in the end, kasi ang ganda, ang ganda ng relationship namin.

"'Tsaka ang ganda ng start namin, magkakaibigan kami, 'tapos nabalitaan kong ganun.

"Malungkot ako kasi bakit ganun na, iyon nga, nakakaapekto sa work nila and everything.

"Sayang, sayang."

Pero naayos naman na raw ang gusot sa pagitan nina Bianca at Kyline, at ikinatutuwa ito ni Jeric.

NEW TELESERYE

Samantala, masayang-masaya si Jeric na pagkatapos ng Kambal, Karibal ay mapapanood siya sa afternoon drama series na Ika-5 Utos.

"Siyempre, tuluy-tuloy ang trabaho ko 'tapos nakakaipon!" at tumawa si Jeric.

"Ito naman talaga yung matagal kong hinihintay, at least isa ako sa bida rito kaya masayang-masaya ako."

Sinabi ni Jeric na nagpakaaktor siya sa Ika-5 Utos sa direksiyon ni Laurice Guillen.

"Nag-workshop kami, kay Direk Laurice mismo."

Ano ang naramdaman niya sa unang mabigat na eksena nila ni Jean Garcia, na gumaganap bilang kanyang ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nakaramdam ng pagiging uncomfortable kay Miss Jean kasi madali siyang maka-close.

"Mabait siya… for one thing, nakaka-amaze pa rin!

"Kapag nakaeksena mo siya, may times na mapapatingin ka sa kanya, sa ginagawa niya.

"Nakaka-starstruck siya! Hindi mo alam kung paano niya ginagawa, ang husay niya."

Magsisimula na ang Ika-5 Utos sa Lunes, September 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN