Robi Domingo reveals anxiety attacks over lack of work, breakup

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on his lack of hosting jobs last year: "Kasi siyempre kinukuwestiyon mo yung sarili mo, e. 'Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?' Hindi na ako ginagamit ng ABS-CBN, e."


Inamin ni Robi Domingo, 28, na dumanas siya ng anxiety attacks dahil sa kawalan ng direksiyon sa buhay noong 2017.

Dumating daw sa puntong hindi sapat ang hosting jobs na natatanggap niya mula nang matapos ang ABS-CBN talent show na I Can Do That, na umere mula March hanggang June 2017.

"Ang tagal ko ring naghintay. Maliban sa MYX and ASAP, I was practically doing nothing on television.

"Ang last na project ko was I Can Do That.

"Nagkaroon ako ng kaunting anxiety attacks."

Paglalarawan pa ni Robi sa kanyang insecurities, "Kasi siyempre kinukuwestiyon mo yung sarili mo, e. 'Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?'

"Hindi na ako ginagamit ng ABS-CBN, e."

Ayon kay Robi, hindi biro ang internal struggles na naramdaman niya.

Kasabay nito ay apektado pa rin siya ng hiwalayan nila ni Gretchen Ho, na naging girlfriend niya sa loob ng mahigit tatlong taon.

"Maybe because of the breakup, you question yourself… Hindi ko alam kung saan ako pupunta after how many years.

"'Tapos nakikita ko pa yung mga kaklase ko dati na nasa college, grumadweyt na bilang doctor.

"'Tapos ako, wala akong trabaho nung mga panahong yun.

"Sabi ko, 'Ano ba ang mangyayari sa buhay ko?' Minsan gumigising ako bigla, mga 2 or 3 a.m."

Nakapanayam si Robi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters pagkatapos ng presscon ng ABS-CBN talent show na The Kids’ Choice, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN ELJ Building noong August 30.

Paano niya nalampasan ang kanyang anxiety attacks?

"Ang dami ko pong pinagdaanan. Pero ang problema dapat pinagdadaanan lang iyan.

"Luckily, I have my friends who helped me. Ni-channel nila yung negative energy into businesses.

"Nandun yung mga kapatid ko, yung pamilya ko.

"At the end of the day, para sa akin, it’s a choice you have to make.

"Ang choice ko naman ay maging maligaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang naiulat ang pag-amin ni Robi tungkol sa kanyang happy love life. 

Nasa dating stage Daw sila ng kanyang college batchmate na kinilala bilang Maqui Pineda.


Stories We Are Tracking

Robi Domingo confirms dating college batchmate
Robi Domingo confirms dating college batchmate
Gretchen happy for ex-boyfriend Robi's newfound love
Gretchen happy for ex-boyfriend Robi's newfound love
Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Robi Domingo mum about non-showbiz girl he's dating now
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl
Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN