Vina Morales reacts to JM de Guzman-Barbie Imperial rumored relationship

IMAGE Noel Orsal

Vina Morales closes doors on having an artista boyfriend: "As much as possible ayokong… hangga't sa maiiwasan ko, iiwasan ko ang artista."


Wala raw alam si Vina Morales sa napapabalitang pagkakakamabutihan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, co-stars niya sa ABS-CBN drama series na Araw Gabi.

Sabi ng Kapamilya singer-actress, "Ayan ang hindi ko alam. Hindi ko alam."

Hindi ba niya natanong si JM tungkol dito?

Tugon ni Vina, “Nahiya ako, e. Nahiya ako.

"Si JM kasi very sweet iyan sa lahat ng co-actors niya, sweet siya.

"So, hindi ko alam kung sila ni Barbie. Hindi ko alam, ha."

Natatawa pa niyang balik-tanong, "Nahuhuli ba ako sa balita? Hindi ko talaga alam.

"Kung sila, di mas okay, di ba?"

Ano naman ang masasabi ni Vina sa pagiging active muli ni JM sa telebisyon matapos ang pinagdaanan nito?

"Ay, magaling, kaya nabigyan ng maraming chance kasi magaling siya at saka mabait."

Sa kabilang banda, ano naman ang maibabahagi niya tungkol sa baguhang si Barbie Imperial?

Pahayag ni Vina, "We never had a problem with her. Wala naman kaming problema.

"Sa nakikita naman namin, hindi naman siya pa-diva, I think na-in love lang siya at na…"

Hindi na naituloy pa ni Vina ang kanyang sinabi dahil natawa siya sa kanyang ikinukuwento.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng press si Vina sa pocket presscon para sa 20th anniversary ng Ystilo Salon sa Shopesville, Greenhills, San Juan branch nito, kagabi, September 4.

Si Vina at ang tatlo pa niyang kapatid ang nagmamay-ari ng nasabing salon.


Vina with her sisters [L-R] Sheryl Magdayao, Shaina Magdayao, and Shiela Moreno)

Itinayo ang kanilang beauty parlor noong August 1999, at ngayon ay meron na silang lagpas 20 branches sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa pagdiriwang nila ng kanilang anniversary, may discounts at promos sila para sa iba’t ibang services at treatments sa lahat ng branches.

ONLINE DATING

Sa edad na 42, nananatiling single si Vina sa matagal na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapamilya star, "May gustong ipapa-date sa akin ng mga kaibigan ko.

"Pero recently, paano naman ako magdi-date, e, puyat-puyat."

Birong napagkuwentuhan namin ang tungkol sa online dating apps, katulad ng Tinder.

Humahalakhak na sagot ni Vina, "Dyusko, nagba-blush ako. Ano yung Tinder? E, kunyari, choz!

"Inano ako ng friend ko, ginawan ako ng account, ewan ko, let’s see.”

Naniniwala si Vina na mayroong forever sa online.

Aniya, "Oo naman, kasi I have friends, nag-meet sila online. Ang daming nagkakatuluyan, actually.

"I have two friends... three, 'tapos yung isa magpapakasal pa lang."

Aminado naman si Vina na may mga nagpaparamdam sa kanyang mga lalaki, kaso nasa late 20s daw ang mga ito kaya hindi na niya ini-entertain.

Ayaw na rin daw niya ng galing sa showbiz.

"As much as possible, ayokong… hangga't sa maiiwasan ko, iiwasan ko ang artista," sabi ni Vina.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN