Robi Domingo admits considering switching networks

IMAGE Bernie Franco

Robi Domingo says he entertained the idea of transferring to another network, during the time when he felt that his career was going downhill. 


Naging tapat si Robi Domingo sa pagsasabing naisipan niyang lumipat ng television network noong mga panahong may pinagdaanan siya sa kanyang showbiz career.

Ito ay kasunod ng pag-amin niyang nakaranas siya ng anxiety attacks dahil sa kakulangan ng trabaho at sumabay pa ang breakup nila ng dating girlfriend na si Gretchen Ho.


Stories We Are Tracking

Robi reveals anxiety attacks over lack of work, breakup
Robi reveals anxiety attacks over lack of work, breakup

Sa press conference ng Star Hunt, ang ongoing Kapamilya reality-based competition, nagsalita si Robi at fellow hosts niyang sina Alex Gonzaga, Melai Cantiveros, at Kim Chiu na normal sa isang artista ang maisip o maramdaman kung matatapos na ba ang career nila.


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang apat kung nakusindera ba nilang lumipat ng network noong mga panahong wala silang trabaho o pakiramdam nila ay hindi na sila kailangan ng kanilang home network.

Pag-amin ni Robi, "Honestly, nung wala akong ginagawa, na-entertain ko yung thought.

"'Tapos wala akong sinabihan na tao, except one, si Direk Lauren [Dyogi]."

Si Lauren ang entertainment production director ng ABS-CBN at head director ng Pinoy Big Brother, kung saan nagsimula at nadiskubre si Robi bilang teen housemate.

Patuloy ng 28-year-old TV host, "Matagal naming pinag-usapan yun.

"Sabi niya sa akin, 'Kapag ginawa mo iyan, para mo na akong sinampal sa mukha.'

"So nung nagkaroon kami ng diskusyon na ganun, once ko lang sinabi sa kanya, never na naulit."

Sabi pa ni Robi, "Once a Kapamilya, hindi na aalis sa Kapamilya network."

Ginanap ang presscon ng Star Hunt sa ELJCC Building sa ABS-CBN Compound, sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi, September 5.

KIM, ALEX, MELAI

Sagot naman ni Kim, "Wala, kasi mahal na mahal ko talaga silang lahat.

"Tsaka inaalagaan talaga nila ako and I'm very happy, very thankful sa pagmamahal na binibigay nila sa akin, kasi guided talaga.

"Naging magulang ko na sina Mr. M [Johnny Manahan] at Ms. Mariole [Alberto]," pagtukoy niya sa executives ng Star Magic, ang talent management na kinabibilangan ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng actress-TV host, "Nung wala yung mama ko, papa ko, sila ang nag-alaga sa akin hanggang ngayon.

"Sila ang nagga-guide sa akin, si Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN chief operating officer for broadcast], so masaya talaga ako."

Sabi naman ni Alex, "Siguro siyempre ganun yung ginawa ko before, 'tapos bumalik ako."

Nagsimula si Alex sa ABS-CBN, lumipat sa TV5, at bumalik sa ABS-CBN.

Patuloy niya, "I'm so thankful nakabalik ako sa Kapamilya network hanggang sa tinanggap akong muli.

"Parang kung may iisipin mang akong ganun, parang ipagpi-pray mo na hindi matuloy. Ipagpi-pray mo si Lord ang bahala.

"And true enough, talagang iba naman talaga magmahal ang Kapamilya network, so thankfully, andito pa rin tayo."

May halong birong sagot ni Melai, "Mag-isip man ako ng switching networks, wala naman akong kilala nung time na yun.

"Ang alam ko lang mag-switch akong lugar, sa GenSan lang. Hanggang dun lang talaga kasi wala naman talaga akong kilala.

"Kasi sa PBB naman talaga ako nag-start, sa ABS-CBN Kapamilya.

"Wala naman talaga akong background na magiging artista kaya switch na lang ako ng lugar, sa GenSan."

Ang Star Hunt ay ipinalalabas mula Lunes hanggang Biyernes tuwing hapon sa ABS-CBN.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN