Sunshine Cruz hits Cesar Montano for lack of financial, emotional support to kids

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz reveals Cesar Montano's persistent dereliction of fatherly duties even after talking to him in private: "Unfortunately, walang positive effect. The more na nagiging grabe dahil palagi kaming nagpapasensya, tumatahimik at nagbibigay."


Dismayado si Sunshine Cruz sa estranged husband niyang si Cesar Montano dahil sa kakulangan nito ng financial at emotional support sa kanilang tatlong anak na dalagita.

Base ito sa pinakawalang matatalinhagang quote cards ni Sunshine sa Instagram kagabi, September 5.

Isa rito ay tungkol sa kawalan ng amor ng isang ama na kung hindi pa aatasan ng batas ay hindi magbibigay ng suporta sa mga anak.

Sabi sa isang quote card, “A good father is a man who supports his children even when he has no money.”

Kasunod nito ang isa pang quote card, “There is a big difference between ‘CAN’T’ and IT ISNT JUST A HIGH PRIORITY.”

View this post on Instagram

This...

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Sa comments’ thread ng kanyang post, inihayag ni Sunshine kung bakit napilitan siyang isapubliko ang hinaing tungkol sa problema niya kay Cesar.

Isang netizen kasi ang nagsabing sana ay daanin sa pribadong usapan kung anuman ang isyu nina Cesar at Sunshine.

Sagot ng aktres, “Thanks for the advice. Have been doing that for the past years!

“Unfortunately, walang positive effect.

“The more na nagiging grabe dahil palagi kaming nagpapasensya, tumatahimik at nagbibigay.”

Ang ikinaiinis pa raw ni Sunshine ay idinaan na niya sa legal na paraan ang pagsasaayos ng responsibilidad nila ni Cesar sa kung paano nila palalakihin ang mga anak sa kabila ng kanilang hiwalayang mag-asawa.

Paliwanag ni Sunshine sa isa pang netizen na nagpayo sa kanyang sampahan ng pormal na reklamo si Cesar:

“There is an ongoing case.

“May order na rin po ang korte sa dapat nyang gawin/ibigay pero hindi parin sya nagco-comply. Filing a motion again soon.”


May isang netizen ang nagpatutsada na tila abala si Cesar sa umano’y pambababae at “nagkakalat ng lahi.”

Pa-safe naman ang sagot ni Sunshine na nag-iwan ng thinking emoji at sinabing "Ganun ba?”


Kasal at nagsama bilang mag-asawa sina Sunshine at Cesar sa loob ng 13 taon, hanggang sa sila’y naghiwalay noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong August 2013, sinampahan ni Sunshine ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act si Cesar dahil sa tatlong insidente ng pisikal na pang-aabuso diumano ng aktor.

Pormal na nakasuhan si Cesar ng physical abuse, base sa resolusyon ng Quezon City Prosecutor’s Office noong March 2015.

Hindi malinaw kung ano ang naging resulta nito, maliban sa ongoing pa rin ang hiwalay na petition for annulment sa pagitan ng estranged couple.


Stories We Are Tracking

Sunshine, Teresa friendship earns kudos from netizens
Sunshine, Teresa friendship earns kudos from netizens
Sunshine Cruz talks up Cesar Montano to their daughters
Sunshine Cruz talks up Cesar Montano to their daughters
Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief
Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief
DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia
DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN