Inah de Belen says boyfriend Jake Vargas has yet to formally meet her dad John Estrada

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen's two-year relationship with fellow Kapuso artist Jake Vargas is going strong, though the latter has yet to formally meet her dad John Estrada.


Noon pa man, gusto na raw ni Inah de Belen na maipakilala niya nang personal ang boyfriend na si Jake Vargas sa kanyang ama na si John Estrada.

Magkaiba pa sila ng network noon, at madalas sabihin ni Inah na masyadong busy ang daddy niya. 

Ngayong pareho na silang nasa bakuran ng GMA-7, nagkakilala na ba sina John at si Jake? 

Ayon kay Inah, "Kasi before that... well, nagkita na sila.

"Pero before everything, busy rin kami talaga. Lalo na siya [John], when he was still sa kabila, busy rin siyang talaga.

"Nagkita lang sila noong party ng GMA. Hindi pa formal. 

"So, mahirap talaga ang schedule."

Kumusta ang unang pagkikita ng daddy niya at ni Jake?

Saad ni Inah, "Okay naman, kaya lang siyempre it’s not the right time and place. Event siya ng GMA.

"Siyempre noong una, nagkakailangan, it’s not prepared naman talaga.

"I knew he was there pero ang daming tao. Walang chance to mingle.

"He’s busy and I was busy also, so yun… siguro kapag nagkaroon na ng time talaga and may settled schedule na.

"E, ngayon, sobrang busy niya rin kasi, lalo na siya, Victor Magtanggol. Halos every day yata taping nila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa mediacon ng afternoon drama series na Ika-5 Utos, na papalit sa Contessa, at magsisimula na sa September 10.

TWO YEARS

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Inah at Jake.

Masasabi naman daw ng dalaga na going stronger pa rin sila.

"We're just enjoying each other's company and thankful naman kami na magkasama kami sa project.

"Siyempre, there’s this feel na kumportable na talaga kami."

Masuwerte nga silang dalawa dahil, kadalasan, hindi pinagsasama sa isang teleserye at pinagtatambal ang magkarelasyong artista sa totoong buhay.

Pero mukhang sila ni Jake, mas madalas na sila ang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga," nakangiting pagsang-ayon ni Inah.

"Thankful lang talaga kami. Actually, nag-start lang ito sa Oh My Mama.

"At that time, hindi rin naman namin alam na magiging ganun ang response ng mga fans namin.

"Then, after my Oh My Mama, we didn’t know and wala kaming assurance na magkakasama kami."

Ang Oh My Mama ay isang afternoon serye ng GMA-7 noong 2016 na pinagbidahan nina Inah at Jake.

Ano ang sikreto ng relasyon nilang dalawa?

"Love, love, love lang," masayang sabi ni Inah. "Love and happiness lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN