Jean Garcia more comfortable without romantic relationship

IMAGE Noel Orsal

Jean Garcia on being single: "Mas comfortable ako na walang pinagpapaalamanan. Mas comfortable ako na I can do whatever I want, parang ganyan."


Natatawa na lamang si Jean Garcia kapag tinatanong tungkol sa kanyang love life ngayong 48 years old na siya.

Saad ng Kapuso actress, "Wala talaga. Parang dumating na ako sa point na kapag dumating, dumating. Kapag hindi, hindi.

"Hindi na siya priority, yung parang mas comfortable ako na single, mas comfortable ako na wala akong inaalagaan.

"Mas comfortable ako na walang pinagpapaalamanan.

"Mas comfortable ako na I can do whatever I want, parang ganyan."

So, masaya siya kahit walang partner?

Tugon ni Jean, "Siguro kuntento lang ako dun sa kung anong meron.

"At saka parang ano na, e, dumating na ako sa point na, hindi ko alam kung matanda na ako, of course, gusto ko pa rin naman magkaroon ng partner in life, pero yung alam mo yung ipipilit pa or maghahanap?"

Na-trauma ba siya sa mga dati niyang relasyon kaya hindi na siya talaga naghahanap ngayon ng partner?

Nakangiting sagot ni Jean, "Hindi naman ako na-trauma kasi kinikilig pa rin naman ako.

"May mga nanliligaw pa rin naman kasi sa akin.

"Pero kasi kung hindi ko type, sinasabi ko kaagad na parang, ‘Walang mapupuntahan, friends na lang tayo.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa grand presscon ng Ika-5 Utos na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, noong Lunes, September 3.

Ipalalabas ang nasabing teleserye simula sa September 10 sa GMA Afternoon Prime.

FAMILY TIME

Dahil single siya ng ilang taon, mas napagtutuunan daw ngayon ng pansin ni Jean ang kanyang pamilya.

"At least ang time ko, andun sa mga bata. 'Tapos may mga apo na ako na dalawa, kapapanganak lang ni Jennica.

"Mas nakapag-focus ako sa work, sa family, and mga kapatid ko, mommy ko, nakakapag-travel abroad ako."

Si Jennica Garcia ang panganay na anak ni Jean.

Samantala, payo naman ni Jean sa mga baguhang artista para tumagal sa industriya ay mahalin ang trabaho at magiging professional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya kung bakit hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz, "Yung love sa career, yung love ko sa trabaho talaga, ito talaga yun, e."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN