Marian Rivera hints at husband Dingdong Dantes's political plans

IMAGE Nikko Tuazon

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes's political plans: "Ibigay natin sa asawa ko na siya mismo ilatag sa inyo kung tatakbo ba siya o hindi ba siya tatakbo."


Isa si Dingdong Dantes sa mga pangalang lumabas sa posibleng manalong senador sa 2019 elections, ayon sa March 2018 nationwide survey ng Pulse Asia Research, Inc.

Bukod kay Dingdong, kabilang din sa listahan ang Ang Probinsyano actor na si Lito Lapid, ABS-CBN actor Robin Padilla, Senator Bam Aquino, actor-politician Isko Moreno, at Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez.

Bagamat may mga usap-usapan na tungkol sa posibilidad na pagsabak ni Dingdong sa pulitika, sinabi ng misis niyang si Marian Rivera na mas mabuting ang asawa mismo ang mag-anunsiyo nito.

Paliwanag ng Kapuso actress, "Siguro ang pangit kasi kung sa akin nanggagaling na, 'O, tatakbo yung asawa ko, a.' 'O ganitong posisyon siya.'

"Siguro ibigay natin sa kanya iyan, kung tatakbo siya.

"Kung hindi siya tatakbo, nasa sa kanya iyan.

"Kasi wala pa rin kaming usap na one-on-one o heart-to-heart kasi very busy din siya sa mga pinupuntahan niya na Yes Pinoy Foundation niya.

"So, hayaan natin, ibigay natin sa asawa ko na siya mismo ilatag sa inyo kung tatakbo ba siya o hindi ba siya tatakbo.

"Tatakbo ba siya? Anong posisyon? Siguro ibibigay ko iyan at irerespeto ko yung asawa ko na siya ang magsabi sa inyo."

Buo raw ang suportang ibibigay ni Marian kung sakaling tahakin ni Dingdong ang mundo ng pulitika, ngunit kailangan daw muna nilang mag-usap nang masinsinan tungkol sa bagay na ito.

"Magha-heart-to-heart talk muna kami kasi hindi ko pa talaga alam, e.

"Wala talaga akong idea kung nasaan yung puso niya at isip niya sa mga bagay na ganyan."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian sa launch ng bago nitong iniendorsong produkto, ang anti-fungal cream na Canesten, sa Shangri-La at the Fort, Bonifacio Global City, Taguig, ngayong Huwebes, September 6.

BABY PLANS

Samantala, muling inusisa ng press si Marian kung kailan nila balak sundan ang anak nilang si Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maiksing sagot nito, "Soon, very soon."

Sa mga huling panayam ng aktres, madalas nitong mabanggit na gusto na nilang magkaroon ng kapatid si Zia.

Usap-usapan din ang pagka-blooming ng aktres sa kanyang Instagram posts dahilan para isipin ng kanyang followers na buntis na siya sa kanilang pangalawang anak ni Dingdong.

Pahayag ni Marian tungkol dito, "Ako naman, very vocal naman ako.

"Never naman ako nagtago, never ko namang ipinagkait kung ano ang dapat malaman ng mga taong nagmamahal sa akin.

"Definitely, kapag meron akong kailangan i-announce, ia-announce ko iyan.

"Sasabihin ko iyan dahil proud ako diyan."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN