Neri Naig explains why she posted about son Miggy's bullying experience

IMAGE Noel Orsal

Chito Miranda defends wife Neri Naig against bashers: "It may not have been the best thing to do, but she had her reasons, and just like everyone else, she has every right to express how she felt."


Umani ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens ang Instagram post ni Neri Naig Miranda kahapon, September 5.

Ang nilalaman nito ay tungkol sa bullying na naranasan ng kanyang anak na si Miggy Miranda, one year and nine months old, sa playschool nito.

Sa nasabing post, ikinuwento ni Neri na may isang classmate ang anak na bigla na lamang daw hinampas sa ulo si Miggy habang naglalaro at kumakain ng chocolate kasama ang isa pang classmate nito.

Tatlong taong gulang daw ang nanghampas sa kanyang anak.

Kinausap daw ni Neri ang lolo ng bata, na nagsisilbing guardian nito, ngunit isinisi raw nito sa teacher ang pangyayari dahil hindi raw nabantayan nang husto ang kanyang mga estudyante.

Sinabihan daw ni Neri ang lolo na kung siya nga ay hirap alagaan ang apo niya, yung teacher pa kaya nito na maraming bata ang binabantayan.

Ayon pa kay Neri, hindi lang anak niya ang nasaktan ng bata kundi pati raw ang iba pang mga kaklase nito.

Nagalit daw ang asawa niyang si Chito Miranda sa pangyayari at sinabihan siyang tama ang ginawa niyang pagkausap sa guardian ng bata.

Bilib din daw siya sa kanyang anak dahil mature itong mag-isip.



Binura na ni Neri ang nasabing post.

“I PROTECTED MY SON.”

Sa kasunod na post ni Neri sa Instagram, pinasalamatan niya ang mga nakakaintindi sa kanyang post, at sinabi ring iginagalang niya ang mga hindi sang-ayon sa kanyang opinyon. 

Sabi niya, "Sa lahat po ng nakaintindi ng post ko, maraming salamat po.

"Sa mga nagbigay ng mga opinion nila, iba man sa akin at sa ibang tao, dapat lang respetuhin natin.

"Salamat din po at marami akong natutunan bilang isang bagong ina.

"Sa lahat ng pa righteous, mga nakapag-aral kung ano man at kung saan man, nasabi ang mga background nila at kung nalalaman nila, may katanungan po ako sa inyo.

"Nasaan po kayo nung binu-bully ang anak ko dito sa social media? Nasaan po yung mga magaganda ninyong quotes na nabasa o napag-aralan para pangaralan ang mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minor ang anak ko at intentionally ang pagbu-bully. Nasaan po kayo? Napagtanggol niyo ba ang anak ko?

"Exactly. Wala di ba? Hinayaan niyo lang.

"As a mom, I protected my son.

"Halos di ko na nga pinapansin o kalmado pa rin akong sumagot sa inyo, sinusubukan na mas maging kalmado pa.

"Ang dami niyo ng sinabi na di totoo at masasakit na salita sa anak ko. Asan yung tagapagtanggol ng naaapi? Asan kayo?

"Ah. Public figure kami. May lisensya ba yun para husgahan ang isang taon kong anak?

"Nasaan kayo?

"Exactly.

"P.S. nakausap ko na ang Tita and Lola sa principal's office. Ok naman ang usapan namin.

"I deleted my post kase nag-promise ako sa Lola na buburahin ko kahit sabi ng asawa ko wala naman masama sa pinost ko kaya no need burahin. Sabi ko nagpromise ako sa Lola."

View this post on Instagram

Sa lahat po ng nakaintindi ng post ko, maraming salamat po. Sa mga nagbigay ng mga opinion nila, iba man sa akin at sa ibang tao, dapat lang respetuhin natin. Salamat din po at marami akong natutunan bilang isang bagong ina. Sa lahat ng pa righteous, mga nakapag aral kung ano man at kung saan man, nasabi ang mga background nila at kung nalalaman nila, may katanungan po ako sa inyo. Nasaan po kayo nung binubully ang anak ko dito sa social media? Nasaan po yung mga magaganda ninyong quotes na nabasa o napag aralan para pangaralan ang mga tao? Minor ang anak ko at intentionally ang pagbubully. Nasaan po kayo? Napagtanggol nyo ba ang anak ko? Exactly. Wala di ba? Hinayaan nyo lang. As a mom, I protected my son. Halos di ko na nga pinapansin o kalmado pa rin akong sumagot sa inyo, sinusubukan na mas maging kalmado pa. Ang dami nyo ng sinabi na di totoo at masasakit na salita sa anak ko. Asan yung tagapagtanggol ng naaapi? Asan kayo? Ah. Public figure kami. May lisensya ba yun para husgahan ang isang taon kong anak? Nasaan kayo? Exactly. P.S. nakausap ko na ang Tita and Lola sa principal's office. Ok naman ang usapan namin. I deleted my post kase nagpromise ako sa Lola na buburahin ko kahit sabi ng asawa ko wala naman masama sa pinost ko kaya no need burahin. Sabi ko nagpromise ako sa Lola.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

CHITO SPEAKS UP

Sa comments section ng post na ito ni Neri, ipinagtanggol ng asawang si Chito ang naging hakbang niya.

Sinabi rin ni Chito na nasasaktan si Neri bilang ina kaya naipost nito ang tungkol sa bullying na nangyari sa anak.

Paliwanag nito sa kanyang comment, "Ulitin ko lang para sa lahat ok? Neri was frustrated and hurt as a mom and kasama yun sa reasons niya for posting what she posted yesterday.

"It may not have been the best thing to do, but she had her reasons, and just like everyone else, she has every right to express how she felt.

"Nagka-usap na po si Neri and yung guardians ng classmate ni Miggy at maganda naman yung naging usapan nila at nagkaintindihan na sila.

"Nahimasmasan na sila pareho at nag-sorry na sila sa isa't-isa.

"Honestly, ang initial reaction ko din talaga as Miggy's dad was mainis sa classmate ni Miggy, at magalit sa parents at sa guardians nung bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think normal reaction lang naman yun for any parent na may anak na sinaktan ng bigger classmate, and Neri simply shared what happened, she shared how she honestly felt, and how she handled it... and Neri, being a mom herself, shouldn't be judged as well... di ba? Natural lang reaction nya... nanay siya, e.

"Pero, tama lang din na i-remind kami na we should also try to be more patient and understanding, lalo't bata ang mga pinag-uusapan and because there may be some factors that we do not fully understand.

"And those who patiently share their points of view that we may not be aware of, help educate, not only us, but everyone who has read and followed the discussion as well.

"Siyempre, normal lang maging emotionally charged ang usapan kasi anak ang pinag-uusapan, e.

"Understandable yun, for both sides.

"Kaya nga thankful ako kasi kahit emotional ang discussion, we have kept things civil para mas magka-intindihan.

"Siyempre, as expected, may mga epal netizens pa rin na excited lang basta i-condemn si Neri... but it's ok... they don't matter hehe.

"The ones that matter are those who share their opinion with the genuine and sincere goal of making others understand their side para mas magkaintindihan and mag-result sa mas pagiging patient, understanding and compassionate ng mga tao... including us."





ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN