Meg Imperial reveals why she admires Cristine Reyes

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial on not being insecure of her co-stars: "Hindi insecurity, e... you appreciate yung magagandang bagay sa kanila instead of being insecure, kasi that's negative, e. Pag nagkaroon ka ng insecurity sa sarili mo, puwede siyang maging depression."


Wala raw nararamdamang insecurity o inggit si Meg Imperial sa kanyang co-stars sa pelikulang Abay Babes na sina Cristine Reyes, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, at Roxanne Barcelo.

Pero kung mayroon man siyang gustong tularan, ito ay si Cristine.

Paliwanag ni Meg, "I think I like Cristine’s personality talaga.

"Kasi she’s very strong alpha and independent as well.

"Saka siya yung hindi mo babasta-bastahin, kasi alam mo kung ano yung gusto niya.

"Of course, given na yung physical appearance niya, sobrang sexy.

"Sobrang maalaga, kita mo sa sarili niya yung love sa sarili niya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa presscon ng Abay Babes sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, kahapon, September 6.

GIRL BONDING

Bagamat lahat sila ay considered independent women, wala raw sila naging problema sa isa’t isa habang ginagawa nila ang pelikula.

Pagpapatunay pa ni Meg, "Sa amin wala… pero siguro kunwari lang na merong bulungan lang kami na, 'Oy, tulala si ganito.' 'Bakit kaya?' Yung ganun lang."

Si Nathalie raw ang madalas na tulala.

"After ng preview namin, lagi lang siyang nakaganun [tulala]. Parang emotional. 

"Binubulungan ako ni Cristine, 'Tingnan mo si Nath.' Mga ganun lang.

"Pero yung awayan or anything, wala."

Sa hiwalay na panayam, inamin ni Nathalie na buntis na siya nang ginagawa nila ang pelikula kaya may mga pagkakataong naging masungit siya.


Kuwento pa ni Meg, "Kasi nag-bonding kami sa isang sasakyan, nandoon lang kami lahat the whole day sa Bicol, nandun lang kami, drive-drive. 

"Nandun lang kami, tanungan about life, ‘Oy, anong na-experience mo? Na-experience mo na ba ito? Anong masasabi mo?'"

May communication pa rin ba sila kahit tapos na ang shooting nila?

"Yes, may communication pa rin kami," sagot ni Meg.

"Mahihirapan lang sa get-together dahil may mga kanya-kanyang trabahong ginagawa din. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero Instagram, text, kapag may nangyayaring special sa isang tao, nandoon yung 'Uy, congratulations! Kumusta?'

"Kumustahan, consistent naman siya."

SEXY FIGURE

Sa presscon ng pelikulang idinirek ni Don Cuaresma, kapansin-pansin ang balingkinitang katawan ng female cast, maliban kay Nathalie na halata na ang pagbubuntis.

Inamin ni Meg na ginagawan niya ng paraang pumayat pa at mabalik sa dating pigura.

Nakangiting pahayag ng aktres, "Hindi insecurity, e, I appreciate yung mga bagay-bagay sa kanila.

"Like, for Kylie, siya kasi yung roommate ko sa Bicol, e.

"Na-appreciate ko yung feminine side niya na sobrang babaeng-babae, ang gandang babae, ang tangkad.

"Parang yung ganun, you appreciate yung magagandang bagay sa kanila instead of being insecure, kasi that’s negative, e.

"Pag nagkaroon ka ng insecurity sa sarili mo, puwede siyang maging depression. 

"Di ba? Puwede siyang maging negative vibes, which is not good kahit kanino."

Ayon pa sa 25-year-old actress, namu-motivate siya ng kanyang co-stars para magtuluy-tuloy ang pagda-diet niya.

"Nakakatuwa nga dahil pag nasa set kami, we’re all, like… pag sa food, fruits lang yung iba.

"Siyempre, maggagayahan na lang din. Kahit gusto mong kumain, sige fruits na lang.

"Nag-a-adjust ako noon. Pero okey naman, nag-adjust naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN