Sunshine Cruz continues to throw shade at estranged husband Cesar Montano

IMAGE @sunshinecruz718 and @cesar_montano on Instagram

Sunshine Cruz takes to social media once more to express in strong words her disappointment over estranged husband Cesar Montano's failure to provide for their kids. "I am doing this not for myself but because I know what the children deserve."


Hindi na naitago ni Sunshine Cruz ang inis sa estranged husband na si Cesar Montano dahil sa diumano'y pagkabigo ng aktor na gampanan ang responsibilidad nito bilang ama sa kanilang tatlong anak na babae.

Matapang ang mga post ni Sunshine sa Instagram nitong Huwebes, August 8, na malinaw na pasaring sa ama ng kanyang mga anak.

Pakikipaglaban para sa karapatan ng kanyang mga anak ang mensahe ng post ng 41-anyos na aktres.

Caption dito ni Sunshine: "Sometimes, you have to do what you have to do in order to be heard.

"We waited for years! Patiently and quietly.

"I am doing this not for myself but because I know what the children deserve."

Kalakip ng kanyang post ang apat na quote cards tungkol sa paninindigan upang matigil ang maling gawain:

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing ang katuwiran marahil ni Cesar kaya hindi ito nagbibigay ng sustento sa mga anak ay dahil may trabaho naman si Sunshine.

Tampok ang aktres sa Kapuso morning drama series na Kapag Nahati ang Puso. 

Sumagot ang aktres at sinabing hindi ito valid reason.

Saad ni Sunshine, "Not a valid reason. Ilang taon ko na ngang pinapalagpas para iwas stress pero mali na pinapalagpas at hinahayaan.

"Even if I can provide, he still has a responsibility sa mga minor and legitimate kids nya sakin.

"Hindi po siguro sanay sumusunod sa tinatawag na court order."


Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine, binanggit niya na binabali si Cesar ang court order na magbigay siya ng sustento sa kanilang mga anak.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Cesar hinggil sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz wants Cesar Montano to honor his obligations
Sunshine Cruz wants Cesar Montano to honor his obligations
Sunshine hits Cesar for lack of financial support to kids
Sunshine hits Cesar for lack of financial support to kids


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN