Sunshine Cruz lambasts Cesar Montano, sister for posting receipts

IMAGE Courtesy: @cesar_montano on Instagram/ Noel Orsal

Sunshine Cruz on receipts surfacing online: "As far as I know, naka-file ito, naka-lock, at iisa lang ang may hawak ng documents. This wouldn't be out if my EX did not allow this to be posted."


Nagalit si Sunshine Cruz sa estranged husband na si Cesar Montano kaugnay ng paglabas sa social media ng mga resibo na nagpapatunay na nagbibigay ng sustento ang aktor sa kanilang mga anak.

Sa Facebook account ng "Tres Marias" nitong Huwebes, September 6, naka-post ang mga resibo ng mga naibigay na pera ni Cesar para sa mga anak nila ni Sunshine mula pa noong 2015.

Nakadetalye rito ang halaga at kung anong petsa ito naibigay.





Ayon kay Sunshine, ang kampo ng kanyang nakahiwalayang asawa ang nasa likod ng paglabas ng mga resibong ito.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook messaging ngayong Biyernes, September 7, "Those receipts are all kept and filed by one person, and that is the secretary of my ex.

"As far as I know, naka-file ito, naka-lock, at iisa lang ang may hawak ng documents.

"This wouldn't be out if my EX did not allow this to be posted

"Tres Marias is not the account of my children.

"It was made to post, I guess, receipts kasi nag-post na pala sila ng mga resibo nung 2015, which I think has been deleted na."

Ngunit giit ng aktres, kulang ang halagang ibinigay ni Cesar ayon sa napagkasunduan at utos ng korte.

"The breakdown and agreement was not just those that those receipts posted.

"May court order and since it was given, he never complied to what was agreed on and like what I’ve said, it has been really difficult for the children to reach him dahil kailangang secretary niya ang i-message and they get reply few days or weeks from her din.

"Those receipts are, again, not what he and the court agreed on.

"Siya rin ang nagbigay sa court ng whatever ang contribution niya sa mga bata, pero hindi nangyari na nasunod 'yan.

"Hinahayaan ko for years because of how difficult it is to talk to them, plus hassle talaga for us ang mag-follow up 'tapos no reply from them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa few weeks ago, I found out he hasn’t been paying his other monthly obligations kaya sa akin bumagsak ang natitira niyang responsibilidad."

Kasabay ng pakikipag-usap ng PEP.ph kay Sunshine ay nag-post din ang aktres sa kanyang Facebook account tungkol dito.

Dito ay binanggit niya ang kapatid ni Cesar na si Maria Mercedes na naka-tag sa post ng mga resibo.

Mensahe ng aktres, "Posting receipts from year 2005 (got separated year 2013) onwards ba talaga ang batayan ng pagiging isang responsable at mabuting magulang?

"Really now?! Gumawa pa talaga kayo ng fake account ng kids ko to spread these receipts.

"And look who’s name is tagged? Maria Mercedes AGAIN! Si sister na naman ni ex! 2018 na madam!

"Di ka parin talaga maka move on!

"A piece of advice, instead of getting angry and ranting on your social media everytime your brother tries to see his children from me (Jan 2,2018 if my memory serves me right was the last time he saw the children at nagwala ka sa FB mo nung makita mo photos nila!) subukan mo ding mag advice na magpakatatay sya minsan.

"Don’t worry, hindi naman aagawin ng mga bata sa inyo si ex. Tanda na natin! Baka pwede mag move on at magbago na for the better.

"Nakakapagod na din talaga kayo promise!"

(Note: Burado na ang mga post sa itaas sa Facebook account na Tres Marias.)

TRY TO BE A DAD

Dagdag pa ni Sunshine, bukod sa pinansiyal, marami pang responsibilidad si Cesar sa kanilang tatlong anak.

Isa na rito ang sasakyan na magiging school service ng mga bata.

Saad ng aktres, "I bought them a car early this year kasi talagang di na uubra ang van na pinahiram niya.

"Nawalan ng preno yun. Wala man lang siyang pag-aalala na baka maaksidente ang kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre ako naman, I only have my van na pang-taping then.

"Nanghiram na lang muna ang kids sa mom ko ng car nung panahon na di ko pa keri bumili ng sasakyan nila."

Mensahe pa niya kay Cesar, "Try to be a dad to the kids if you can.

"Hindi batayan ang pag-post ng mga resibo to be called a good parent."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN