Jillian Ward bars hovering admirers: "Puwedeng crush, bawal manligaw."

IMAGE Noel Orsal

Cute child actress Jillian Ward is now a pretty teenager at 13, and attracting potential suitors. But she warns, "Hindi ko po sila puwedeng hayaang manligaw, hindi ko po alam kung anong magawa ni Papa sa akin."


Thirteen years old na si Jillian Ward.

Ano ang pakiramdam na isa na siyang ganap na teenager?

"Well, nakakapanood na po ako ng mga pang 13-plus na movies!" natatawang sabi ni Jillian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May mga nagpaparamdam na rin daw kay Jillian, at madalas ay sa direct messages sa Instagram ito idinadaan.

Reaksiyon niya, "Medyo weird po kasi parang halos ngayon lang po nag-start yung mga ganun.

"Parang iba po sa pakiramdam, pero wala naman po, kasi hindi ko naman po ini-entertain."

Hindi nga raw niya pinapansin ang mga ito dahil na rin sa takot ni Jillian sa kanyang ama.

"Hindi ko po sila puwedeng hayaang manligaw, hindi ko po alam kung anong magawa ni Papa sa akin!" aniya, sabay tawa.

Dagdag ni Jillian, "Siguro po, ang tip ko po sa kanila, puwedeng magka-crush pero bawal pa pong manligaw."

GROWING UP

Wala naman daw nagbago kay Jillian ngayong teenager na siya, maliban sa iba na rin ang expectations ng mga nakapaligid sa kanya.

Aniya, "Siguro po mas medyo naging mature din po kahit papaano.

"Pati po yung mga kaibigan ko din teenagers na rin po, dati po kasi puro mga bata ang mga kaibigan ko.

"Yung mga nasa paligid ko din po, mas mature na rin yung mga nakakausap ko po.

"And mas naiintindihan ko na po yung mga usapan ng matatanda.

"Pero medyo isip-bata pa rin po ako!"

Mahigit isang taon na ring napapanood si Jillian sa weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Balik-drama si Jillian sa kasisimula pa lamang na afternoon drama series ng GMA-7 na My Special Tatay.

Sabi niya, “Happy po ako na makakabalik ako sa drama kasi nga po puro fantasy, and yung last ko pong drama is Sa Piling Ni Nanay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN