Nathalie Hart denies rumored past romance with James Reid

IMAGE Noel Orsal / Web (inset)

Nathalie Hart on netizens speculating about her supposed past romance with James Reid: "My god, anong pakialam ko sa kanya? No offense, ha? Bakit nila nili-link sa akin yung tao? Tumigil na sila. My god, ang laki-laki na ng tiyan ko!" 


Nilinaw ni Nathalie Hart, 26, na walang katotohanan ang espekulasyong may dating history sila ni James Reid, 25.

Kaugnay ito ng panunukso nina Vice Ganda at Roxanne Barcelo kay Nathalie nang ipakita ang litrato ni James sa “Wititit or Keriboomboom” game sa episode ng Gandang Gabi Vice noong August 19.

Pahayag ni Nathalie, "In-edit na kasi yun, e. Kasi ang daming cut nun.

"Parang bigla kaming sumigaw. Pero hindi naman ako sumigaw nung time na yun. Sabi ko, 'A, okay, whatever.'

"Si Roxanne, alam niya kasi andun siya, at alam ng mga tao run kung anong nangyari while we were tini-take namin yun."

Pilit kasing pinaaamin sa GGV si Nathalie kung may "past" sila ni James.

Makikita rin sa segment na hindi nakasagot nang diretso si Nathalie nang pinasumpa siya ni Vice na kahit "mawala na career" ay talagang nagsasabi ng totoo ang aktres na hindi talaga naging sila ni James.

Pero giit ni Nathalie, mali ang interpretasyon ng ibang netizens na kinilig siya nang ipakita ang litrato ni James sa game segment ng show.

Prangkang bulalas ng aktres, "My god, anong pakialam ko sa kanya? No offense, ha?

"Bakit nila nili-link sa akin yung tao? Tumigil na sila. My god, ang laki-laki na ng tiyan ko!

"Gusto ba nila pagmumurahin ko sila isa-isa? Kasi pumapatol talaga ako. Wala akong pakialam."

Nakapanayam si Nathalie ng ilang entertainment reporters pagkatapos ng press conference para sa pelikulang Abay Babes, na ginanap sa Le Reve events place, sa Quezon City, kahapon, September 6.

NOT HER TYPE

For the record, hindi raw talaga naging sila ni James, "We never dated. No! Wala!"

Sa pagkakaalam daw ni Nathalie ay minsan silang naugnay ni James nang kumalat sa Internet ang larawan kung saan nakunang akmang hahalikan siya sa pisngi ng binata.

Paliwanag niya ukol dito, "Picture-picture lang yun! It was a birthday, we were all there dun sa bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it was such a big scandal for everyone, and that was so long ago!

"I was so young back then. Twenty-two years old yata ako. 

"My god, 26 years old na ako! I'm such a lola! Kalimutan niyo na!"

Iba raw ang karelasyon ni Nathalie noon at nagkataon lang na pareho sila ng barkada ni James kaya sila magkasama sa party.

Sabi pa ni Nathalie, aminado siyang mabait at guwapo si James.

Pero hindi raw talaga niya ito type kahit noong kabataan niya.

Hirit ulit ng aktres, "So what kung gwapo siya? Hindi lang naman siya ang guwapo sa mundo."

Si Nathalie ay kasalukuyang five-and-a-half months pregnant at engaged na sa kanyang Indian boyfriend na si Mayank Sharma. 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN