Robi Domingo remains civil with ex-girlfriend Gretchen Ho

IMAGE Facebook / Noel Orsal

"Nung una, napipilitan na magkita. Nung mga kalaunan na, parang naging comfortable na kami sa isa't isa," says Robi Domingo about working with ex-girlfriend Gretchen Ho after their breakup.


Sa kabila ng kanilang breakup bilang magkasintahan, patuloy ang pagsasama nina Robi Domingo at Gretchen Ho bilang magkatrabaho.

Madalas na magsama ang dating magkasintahan sa hosting jobs, kagaya na lang ng grand coronation ng Mr. & Ms. Chinatown 2018 noong September 2.

Silang dalawa rin ang hosts sa isang show sa ABS-CBN Sports + Action channel.  

Paglilinaw ni Robi tungkol sa kanila ni Gretchen, "We are okay. In fact, meron pa nga kaming UTown na umeere sa Sports + Action."

Naghiwalay sina Robi at Gretchen noong 2017 pagkatapos ng higit tatlong taong relasyon.

Paano nila napanatili ang kanilang rapport bilang magkatrabaho sa kabila ng paghihiwalay nila?

Ayon kay Robi, "We have to meet up. Dati sinasabi ko, 'A, okay, kinakabahan ako,' every time na magkakaroon kami ng University Town [UTown] episode.

"Pero every single week, nagkikita naman kami, [so] siguro dahil don."

Inamin ni Robi na noong simula ay hindi siya kumportable.

"Nung una, napipilitan na magkita.

"Nung mga kalaunan na, parang naging comfortable na kami sa isa't isa, and we have to accept reality as well," sabi ng 28-anyos na Kapamilya host sa presscon ng Star Hunt, ang ABS-CBN reality-based talent search, na ginanap noong September 5.

Paano niya ilalarawan ang kanilang relasyon—civil o magkaibigan?

"Right now, it’s civil,” sagot ni Robi.

"We respect each other’s spaces.

"Ako, on my end, nirerespeto ko at hinahangaan ko siya sa mga achievements na ginagawa niya."

Kamakailan ay kinumpirma ni Robi na may idini-date siyang non-showbiz girl na batchmate niya noong kolehiyo. 

BETTER THAN LUIS?

Hiningan din ng reaksiyon si Robi sa tinuran ni Luis Manzano sa isang recent Facebook Live na mas magaling na host si Robi sa kanya.

Reaksiyon ni Robi tungkol dito, "No. Siyempre, Kuya Luis is being humble, kasi he has been my mentor since day one, nang start ko sa MYX.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Until now, tinuturuan niya ako. May mga guidelines akong hinihingi mula sa kanya when it comes to hosting and talking, and being a good man.

"Siguro wala akong komento dun kasi, kahit anong mangyari, Kuya Luis will always be one of the premiere hosts na dapat hangaan ng lahat, at kasama na ako don."

Ang Star Hunt ay umeere tuwing hapon sa ABS-CBN, mula Lunes hanggang Biyernes.  


Stories We Are Tracking

Gretchen Ho clarifies
Gretchen Ho clarifies "heartbroken" tweet not about Robi
Robi Domingo, Gretchen Ho still healing after breakup
Robi Domingo, Gretchen Ho still healing after breakup


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN